E I G H T Y - O N E

222 15 1
                                    


day 300

"Shana!" Nakita kong napatigil sila sa paglalaro ng basketball at napatingin sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kanila at naupo doon sa may bench. "Sige, tuloy lang kayo! Manonood ako!" Nakita ko namang tumango si Kuya France at kumaway sa akin si Matt.


Nagpatuloy sila paglalaro nila at kita kong sayang-saya sila sa kanilang ginagawa. Dahil apat sila, naghiwa-hiwalay sila at dalawa ang tao kada grupo. Magkasama si Lucas at Joshua, habang sina Kuya France at Matt naman ang magkakampi.


Hindi ko inintindi ang sakit ng kamay ko. Dahil tumakas na naman ako sa hospital, inalis ko na naman palihim ang nakaturok sa aking swero. Nilagyan ko na lamang ng bulak ang kamay ko para hindI ito patuloy na dumugo.


"Matt! Kahit kailan talaga ang bulok mo!" Asar na sigaw ni Kuya France kay Matt nang maka-shoot na naman si Joshua. Natawa naman ako sa kanilang dalawa dahil kanina pa silang nag-aaway. "Ang malas ko talaga at ikaw pa ang nakasama ko!"


Inis na ginulo ni Matt ang buhok niya at sinamaan ng tingin si Kuya France. "Hindi ako bulok! Sadyang magaling lang silang dalawa!" Nagsimula na naman silang maglaro at kahit ilang beses sinubukan mag-shoot ni Kuya France ay naaagaw agad iyon ni Lucas.


"GO LUCRUSH!!" Masigla kong sigaw. Napatingin naman siya sa gawi ko saka kumindat, bago nagtungo doon sa three-point line at nag-shoot. Nang makapasok ang bola ay napasigaw na naman ako at natawa naman siya.


"Ala, ayoko na nga! Tanggap ko nang manlilibre kami ni Francis!" Pagmamaktol ni Matt saka tumabi sa akin. "Shana, i-comfort mo nga ako." Akmang yayakapin niya ako nang bigla akong tumayo at pinalo ang ulo niya.


"Amoy pawis ka! Magpunas ka nga!" Natatawa kong saad at napanguso naman siya. Inabot niya ang towel sa tabi niya saka siya nagpunas ng pawis niya. Naramdaman ko namang may umakbay sa akin at paglingon ko, nakita kong si Lucas iyon.


Naramdaman kong dumikit ang pawis niya sa akin at napanguso naman ako. Kahit naman crush ko siya, nakakadiri pa rin! "Oh, bakit ka nakasimangot diyan? Ayaw mo na ba sa akin?" Nagtatampo niyang sabi.


Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin saka nagkunwaring nandidiri sa kaniya. "Amoy pawis ka rin!" Binelatan ko pa siya at mas lalo naman siyang napasimangot.


"Shans, bakit naman nasa labas ka? Hindi ba, bawal kang masyadong mainitan dahil nakasasama sa puso mo?" Nag-aalalang tanong ni Joshua. Nginitian ko lamang siya saka tumabi sa kanya. Sa kanila kasing lahat, siya ang pinakamalinis sa katawan kaya nakapagpunas na siya ng pawis.


"Kumain kasi ako sa Mcdo tapos pagkadaan ko dito, nakita kong naglalaro kayo." Palusot ko. Hindi ko pa rin naman kasi pwedeng sabihin sa kanila na dapat ay naka-confine ako dahil malamang ay papagalitan ako ng mga 'to.


"These days, napapansin kong medyo stressed si Mama. Madalas din ay naririnig ko siyang nagso-sorry sa akin kahit wala naman siyang rason para sabihin iyon." Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Madalas kasi ay si Joshua ang unang nakatutuklas ng mga sikreto ko. "Hindi naman iyon related sa kondisyon mo diba?"


Agad akong umiling at pilit na ngumiti. "Noong huli kasi akong nagpa-check-up, narinig kong may pasyente siyang tinantingan niya. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ako iyon!" Pilit kong pinasigla ang boses ko at kita ko namang tumango siya. Pasensya na talaga sa pagsisinungaling ko, Joshua.


"Shana! Na-miss kita!" Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran at base sa hugis ng kanyang mga braso ay si Kuya France iyon. Mahilig kasing mag-workout ang isang 'to kaya medyo malaki ang muscles.


"Sus, ilang araw niyo lang akong hindi nakita!" Natatawa kong sabi. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin saka nagpunta sa harap namin ni Joshua. Kita ko ang pagtitig niya sa akin at bigla akong nagtaka. "May problema ba Kuya France?"


Ilang segundo siyang natahimik bago nagsalitang muli. "Bakit parang namumutla ka? At saka, bakit may bulak ka diyan sa kamay mo?"


Bigla naman akong kinabahan. Kung si Joshua ay magaling bumuo ng konklusyon, si Kuya France naman ay magaling sa pag-oobserba. Bakit ba ang galing nila sa mga bagay na ganito?


"Ah, galing kasi ako sa malamig tapos nainitan ako. Tapos kaya ako may bulak sa kamay ay dahil tinurukan ako ng gamot." Dire-diretso kong sabi.


"Eh diba kapag magtuturok ng gamot ay usually sa braso? At saka, 'yung bulak mo ay nakalagay kung saan nakaturok ang swero." Nagkunot bigla ang noo niya. "May hindi ka ba sinasabi sa amin Shana?"


Pilit akong tumawa at umiling. "N-nako! Nagsasabi kaya ako ng totoo!" Ngumiti pa rin ako para naman mawala na ang mga tanong sa isip niya. "Ayaw niyo bang nandito ako?" Iniba ko ang topic para naman ay wala na siyang masabi pa.


"Syempre, gusto!" Biglang singit ni Lucas sa usapan namin. Nakangiti siya sa akin habang hawak-hawak ang isang bote ng tubig at iniabot ito sa akin. "Oh Shans, narinig ko kasi namumutla ka raw. At saka, baka niyo ba tinatanong nang tinatanong 'yang si Shana eh hindi naman siya maglilihim sa atin."


Pilit akong ngumiti ang ininom ang tubig na ibinigay ni Lucas sa akin. Pasensya na talaga sa inyo, gusto ko lang na huwag kayong mag-alala.


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon