S I X T Y

261 16 0
                                    


day 272

"Guys, may good news ako!" Excited na pumasok ang class president namin habang may hawak na isang papel. Nagsiupuan na kami dahil malapit na rin naman ang homeroom period. Pero bakit kaya wala pa rin kaming teacher?


Halos lahat kami ay nagtataka na pero ang class president namin ay nakangiti pa rin. Bumaling ako sa katabi kong si Lauren na nagtatakang nakatingin sa unahan bago tumingin sa akin. "Sa tingin mo ba nilamon na ng sistema si Cindy?"


Pinigil ko ang tawa ko dahil sa kalokohan ni Lauren. Wala talagang matinong kausap sa mga kaibigan ko. Maya-maya pa ay nasagot na ang mga tanong namin nang biglang iharap sa amin ni Cindy ang isang poster at ilang segundo din ang lumipas bago muling nagsigawan ang mga kaklase ko.


"Okay, kalma mga bes! Ie-explain ko pa ang tungkol dito kaya mamaya na kayo mag-react!" Sa pagsigaw ni Cindy ay tumahimik ang buong klase kahit na alam kong lahat kami ay excited na. "Wala ang teachers ngayon kasi may meeting sila about sa graduation ball. Kaming class presidents ang naatasan para i-dIssiminate ang information about sa upcoming event."


"This year, ang theme ng graduation ball ay Oscar's. Requirement ang long gown, at wala namang color coding. Basta raw ba parang pang-Oscar's ganern. 5 days from now, magaganap na ang event."


Nagulat naman kami. 5 days from now? Agad-agad? Makakahanap kaya ako ng gown sa maikling panahon?


"Gustong mag-sorry ng event organizers kasi sobrang rushed daw. Magpapa-meeting sila parents regarding dito. And about sa partners..." Ngumiti nang malawak ang president namin. "Hindi siya assigned, and pwede niyong maging partner ang taga-kabilang section basta nasa batch natin."


Natuwa naman ako dahil pwede kong mayaya bilang partner si Lucrush ko! Syempre, bago pa ako maunahan, aayain ko na agad siya! Tumingin ako kay Lauren, na nakangisi sa akin. Sinilip ko si Leslie at halos matawa nang makitang kinukulit siya ng katabi niyang si Lex.


Nang matapos ang homeroom period ay pinauwi na kami. Since na-discuss naman nang maayos, maaga kaming pinalabas. Laking gulat ko na lang nang makita kong hinihintay kami nina Kuya France sa labas ng classroom.


"Sorry Lex, pero si Francis na ang partner ko." Nagulat kami nang biglang kumapit sa braso ni Kuya France si Leslie. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat pero hindi na lang siya tumanggi pa. Kita kong dismayado si Lex, bago nagpaalam sa amin. Napataas naman ako ng kilay saka tumingin sa best friend ko.


"Ang mean mo kay Lex!" Kita ko ang pag-ikot ng mga mata niya bago bumitaw sa pagkakahawak kay Kuya France. "Pero in fairness, hindi ko naman alam na ang type mo pala ay si Kuya France." Nginitian ko siya ng nakakaloko pero inirapan niya lang muli ako.


"Pag-ibig na kaya~" Kanta ni Matt at nang samaan siya ng tingin ni Leslie ay agad siyang bumaling kay Lauren. "Hi Lau, diba ikaw partner ko?" Tumango naman si Lauren at napatawa ako nang malakas.


"Grabe, love is in the air!" Kita ko ang pamumula sa mukha ni Kuya France at nagkaroon ako ng kutob na malamang ay may crush ito sa best friend ko. Hmm, mas lalo ko kaya silang asarin?


Bago pa man ako makapagsalita ay ramdam kong may umakbay sa akin at nakita kong si Lucas iyon. "Ikaw Shana, hindi mo ba ako yayayain?" Malawak ang pagkakangiti niya at rinig ko ang kantsyawan ng mga kaibigan namin.


Napatingin naman ako sa gawi ni Joshua at napangiti. "Hmm, kayo sana ni Josh ang yayayain ko." Muli akong tumingin kay Joshua saka kumindat. "Mukha kasing forever alone itong kaibigan natin eh."


Napatango naman si Lucas atsaka kami nagsimulang maglakad palabas ng school. Sana naman, hindi ako atakihin sa araw bago ang graduation ball.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon