F I F T Y - T W O

319 19 0
                                    

day 257

"Shana! Tama na ang paglalagay mo ng junk foods! Next week pa ang retreat at ang pinunta natin dito ay ang pag-grocery ko!" Inis na saad ni Leslie saka pinalo ang kamay ko nang makitang ilalagay ko ang Pringles doon sa cart. Napanguso naman ako dahil napaka-KJ ng best friend ko.


"Ito naman! Minsan na na lang ako kumain ng bawal" Padabog ko siyang sinundan paalis ng Chips Isle. Nakakasawa na kasing puro gulay at prutas ang kinakain ko. Teenager din ako kaya naman gustung-gusto ko ng mga chichirya!


Nagpatuloy pa kami sa pag-iikot sa grocery nang may maaninag akong pamilyar na pigura. Agad naman akong nagtago sa likod ni Leslie na ipinagtaka niya.


"Oh, Shana? Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakataas ang kilay niya pero sinenyasan ko siya na manahimik na lang. "Shans, 'di ko abot 'yung dishwashing liquid. Ikaw nga ang kumuha." Halos mapa-facepalm ako dahil sa sinabi niya.


"Les –" Hindi ko na natuloy ang pagrereklamo ko dahil sinamaan ako ng tingin ni Leslie. "Sabi ko nga, kukunin ko diba." Umayos na ako ng tayo saka tumingkayad para makuha ang dishwashing liquid. Baka kasi mamaya alisin pa ni Leslie 'yung mga junk foods ko doon sa cart.


"Les! Shans!" Nagulat ako sa sumigaw kaya naman naipatak ko ang dishwashing liquid sa sahig. Awkward akong ngumiti kay Lucas saka pupulutin na sana ang bote nang mapansin kong may nakahawak na kamay na doon. "Ako na ang kukuha."


Ayan na naman ang nakakamatay niyang ngiti. Huhuhu send help.


"Kaya pala naging abnormal na naman itong si Shana." Natatawang saad ni Leslie. "Anong ginagawa mo dito?"


Napakamot siya sa batok at tinuro ang isang matandang babae na papalapit sa amin. "Kasama ko ang mama na mag-grocery. Buti na lang pala at sumama ako dahil nakita ko si Shana... at ikaw Les." TAMA BA ANG NARINIG KO OH MY GAHD MY PAMILY MY OVARY.


"Sus, si Shana lang talaga ang gusto mong makita." Pang-aasar ni Leslie kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.


"Lucas, sino sila?" Napatingin kaming tatlo sa babaeng nagsalita. Hindi ko mapigilan ang humanga sa kagandahan ng nanay ni Lucas dahil mukha pa rin itong bata. "Oh, parang nakikita kita? Ikaw 'yung babae sa picture ni Luc—" Hindi na naituloy ng mama ni Lucas ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Lucas ang bibig niya.


"Picture po nino?" Taka kong tanong dahil nakaturo siya sa akin. Natatawa siyang umiling saka inalis ang pagkakatakip ni Lucas sa bibig niya.


"Naku, baka nagkakamali lang ako. Sa tingin ko kasi ay may crush itong anak ko at may nakita akong litrato ng babae sa wallet ni Lucas." Ngumiti ito ng makahulugan kay Lucas at hindi ko maiwasan ang malungkot. May iba na palang gusto si Lucas?


Tinignan ko si Lucas at namumula ang mga tainga niya. So, totoo nga? "Ma naman!" Inis niyang sabi at kinurot naman siya ng nanay niya. "Diba may bibilhin ka pa sa Meat Section? Tara na!" Hinila niya ang nanay niya palayo saka kumaway sa amin.


"Huy, itsura mo." Napatingin naman ako kay Leslie at nagtaka. "Porke nalaman mong may iba nang gusto si Lucas para ka nang pinagbagsakan ng lupa? 'Wag kang mag-alala, kilalang-kilala mo siya." Kinindatan niya ako saka itinulak ang cart palayo at naiwan naman akong nakatulala?


Sino naman sa balat ng tinalupan ang crush ni Lucas!?

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon