S I X T Y - S I X

304 14 3
                                    


day 278

"Shana, dito oh!" Lumingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses at nakita sina Kuya France na kumakaway sa amin. Agad kong hinila si Leslie palapit sa kanila at umupo sa bakanteng upuan katabi si Matt.


"Hi Matt—" Bago ko pa matapos ang pagbati ko sa kanya ay bigla na lang siyang napatayo at si Lucas na ang katabi ko. Malaki ang ngisi niya sa akin pero napairap na lang ako sa kakulitan niya. "Hindi ko pa nababati si Matt eh!"


Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napanguso na lang siya. Cute! "Ayaw mo ba talaga akong katabi?" Humalukipkip ako at tumingin sa may harapan ng stage.


"Ayoko." Rinig ko ang tawanan ng mga kaibigan namin at maging ako ay napatawa na lang din. Tinignan ko muli si Lucas na nakanguso pa rin sa akin hanggang ngayon. "Joke lang naman!" Ginulo ko ang buhok niya at pareho kaming napangiti.


"Ang cheesy dito, ayoko na. Joshua, palit tayo ng upuan!" Pakiusap ni Kuya France kay Joshua, pero hindi lang siya pinansin nito. Ilang beses niya pang pinilit si Bato pero dahil matigas ang ulo niya, hindi siya pumayag.


"Welcome to 34th School Fair!" Rinig naming bati ng MC at nagsigawan na ang mga estudyante. Foundation week ngayon at isinabay na rito ang school fair. Actually, kaninang umaga pa nagsimula ang activities and booths pero ngayon lang kaming hapon pumasok para mapanood ang Battle of the Bands.


Ipinakilala na isa-isa ang mga banda at nang ipakilala na ang representatives ng section namin ay nakisama kami sa tilian ng mga estudyante. Ramdam ko namang may humawak sa kamay ko at nagtataka naman akong tumingin kay Lucas.


"'Wag ka masyadong tumili diyan, baka atakihin ka." Paalala niya at tumango naman ako. Nang matapos na ang hiyawan ay ang section naman nila Lucas ang ipinakilala. Tuwang-tuwa naman sila Lucas at niloko pa ang mga kaklase nila.


Napatingin naman ako kay Lucas. "Lucas, maganda ang boses mo pero bakit hindi ka sumali sa banda niyo? Akala ko nga ikaw ang lead vocalist nila eh!" Sa tatlong taon kasi nilang pagsali dito ay palaging si Lucas ang lead vocalist. Dalawang taon silang kampeon kaya naman takang-taka ako kung bakit hindi sumali si Lucas para depensahan ang titulo nila.


"Hindi ako sumali kasi time-consuming ang practices. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko ay sasamahan kita sa buong week ng School Fair." Natatawa niyang sabi at hindi ko maiwasan ang mamula. Naalala ko ang mga kamay naming magkahawak at mas lalo niya iyong hinigpitan. "Magsaya tayo ngayong week, okay?"


Kinindatan niya ako saka naman ako napatawa. Tumango ako at nakinig na sa bandang nagsisimula na palang kumanta.


***


"Lucas, saan ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong. Hindi pa tapos ang Battle of the Bands pero agad niya akong hinila paalis sa venue. Nang magtagal kasi ay pinaalis na ang mga upuan at nagsimula nang magsaya ang mga tao kaya napahiwalay kami kina Leslie.


"Alam kong gutom ka na kaya dadalhin kita sa booth ng section namin." Napangiti naman ako. Balita ko kasi ay coffee shop-themed ang booth nila. Napalingon naman ako sa mga booths sa school grounds at hindi ko maiwasan ang mamangha.


Hindi ito ang first time kong makapunta sa fair pero ito na siguro 'yung pinakamatagal kong pag-stay. Madalas kasi ay nag-iikot lang kami ni Leslie para bumili ng kung anu-ano.


Nang makarating kami sa stall nila, pinaupo ako ni Lucas doon sa may picnic table. Nginitian ko ang mga kaklase niya at dinig ko pa ang panunukso ng iba sa kanya. Bigla naman akong nahiya dahil ang iba sa kanila ay nakausap ko noong retreat.


"Oh, Shana. Ito na ang chocolate cake at latte mo. Si Lucas ang mismong naghanda niyan!" Masiglang sabi ni Rika at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Napatawa na lang siya nang mahina saka ako iniwan. Maya-maya pa ay dumating na rin si Lucas habang dala ang mga pagkain niya.


"Ako na ang naghati ng cake mo kasi gusto ko special." Kinindatan niya ako at napatawa na lang ako. Ang kulit talaga ng pangit na 'to!


"Ano namang connect 'non?"


"Crush mo ako kaya lahat ng gagawin ko ay special para sa'yo." Nakangisi niyang sabi at hindi ko maiwasan ang mapairap.


"Grabe, humangin bigla!" Pinaypayan ko pa ang sarili ko at dinig ko ang pagtawa niya. "Hay nako, Lucas. Lumalaki masyado 'yang ulo mo!"


Nginisian niya lang ako saka kumain ng piraso ng cake niya. "Shans, you've been too careless lately." Napatigil ako sa pag-inom ng latte ko at napatingin sa kanya. "You're living everyday like it's your last day."


Napaubo ako nang bahagya at umiwas ng tingin. Nangako ako sa sarili kong hindi ko sasabihin kina Lucas kaya dapat akong makagawa ng palusot!


"Ano... YOLO?" Patanong kong sabi sa kanya. "You only live once... hehe."Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko!


Kita kong nagtaka siya nang saglit bago napatawa. Lumapit siya sa akin saka pinisil ang mga pisngi ko.


"Hay nako, Shana. Iba talaga ang epekto mo sa akin."


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon