S P E C I A L C H A P T E R 5

260 11 0
                                    


a/n:

sa mga nagtataka kung sino si Luna (na-mention siya ni Leslie sa huling chapter), eto na siya : )))))


day 115

"Happy Birthday Shana! Bumangon ka na jan!" Dinig ko ang tinig ng isang babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. Umungol ako dahil medyo napuyat ako kagabi at ayaw ko pang bumangon. "Huy Shana!"


"Leslie please, magpatulog naman kayo!" Irita kong sabi at nagtalukbong na ng kumot. Narinig kong tumawa si Leslie at maya-maya pa'y may ipinatong siya sa kama ko at ramdam kong gumalaw ito. "Ano 'yan—"


"Arf arf!" Agad akong napabangon nang makarinig ako ng isang kahol. Napangiti naman ako nang malawak at agad na kinuha ang maliit na Siberian Husky na nakapatong sa kama ko.


"OMG!!" Napatawa ako nang malakas nang maramdamang dinilian ng aso ang pisngi ko. Tumingin naman ako kay Leslie at nagulat nang makita na naroroon din pala sina Lucas sa kwarto ko! "Ang aga pa ah! Bakit nandito na kayo?"


"Gusto kasi naming makita ang reaksyon mo sa ibinigay naming regalo." Nakangising sabi ni Joshua at nanlaki ang mga mata ko. Akala ko, kay Leslie lang ito galing, pero pati pala kina Kuya France!


Ibinaba ko ang tuta sa sahig at nakitang tumakbo ito palabas. Tumayo naman ako at niyakap nang mahigpit si Leslie na nagkunwari pang nandidiri.


"Salamat talaga guys!" Sunod ko namang niyakap ang mga lalaki. Inipit pa nila ako sa gitna at napatawa aman ako nang malakas. "Ang lalaki niyo! Magpapayat ka na Matt!"


Nang kumalas na kaming lahat sa yakap, binatukan ako ni Matt. "Bakit pa ako magpapapayat kung macho na naman ako?" Ipinakita pa amin ni Matt ang kanyang "muscles" at kinindatan ako. Napairap naman ako nang wala sa oras dahil sa kahambugan ni Matt.


"Nga pala, mamayang hapon pa naman ang handaan. Umuwi na muna kayo at gusto kong makasama ang bago kong tuta!" Pagbibiro ko at kita ko ang pagsimangot ni Kuya France.


"Pinagpapalit mo na kami sa asong 'yon? Shana naman eh!" Nagtatampong sabi ni Kuya France.


"Dati, kayo lang ang kahati ko sa atensyon ni Shana. Ngayon naman, nadagdagan pa ng isa!" Nagkunwaring nasasaktan si Lucas at napairap na lang muli ako dahil sa mga kalokohan nila. Binelatan ko na lang sila saka lumabas para habulin ang bago kong tuta.


***


"Anong ipapangalan mo sa tuta?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Lucas na nakasandal doon sa may pintuan namin. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay namin dahil gustong maglaro ng tuta dito ngayon.


Nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa paglalaro sa aso. "Hindi ko pa alam. Ano ba ang magandang pangalan?" Pagtatanong ko.


Maya-maya pa'y naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nakita kong nakatitig din siya sa tuta na para bang nag-iisip. "Luna."


Napangiti ako nang marinig ang pangalan na iyon. "Luna? Maganda iyon ah! Saan mo naman nakuha iyon?" Lumapit si Luna sa mga paa ni Lucas at inamoy-amoy iyon. Kita ko ang pag-ngiti ni Lucas at kinuha si Luha saka iyon binuhat.


"Lucas at Shana. Luna." Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Diba bagay sa kanya? Parang tayo lang." Napatingin siya sa gawi ko, saka ako kinindatan. Wala sa sarili ko akong napangiti dahil sa banat niya.


"Buti naman alam mo." Natawa na lang kami pareho sa mga sinasabi namin. Aaminin ko, sobra akong kinikilig ngayon!


"Alam mo Shana, nagseselos ako sa asong 'to." Habang hinahaplos ni Lucas ang mga balahibo ni Luna ay nakasimangot siya. Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.


"Bakit naman? Ikaw ang crush ko, hindi si Luna." Natatawa kong sabi.


Binitawan na niya si Luna at tumingin sa akin. "Si Luna kasi, palagi mong makakasama. Tapos lahat ng atensyon mo nasa kanya. Baka makalimutan mo na kami ni Kuya France dahil may Luna ka na." Naghihintay ako ng mga katagang 'joke lang' pero seryoso siyang nakatingin sa akin.


Bigla naman akong napatawa sa mga sinabi niya.


"Ano ka ba Lucas! Pati aso, pagseselosan mo?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Pinisil ko ang mga pisngi niya saka ngumiti nang malawak. "Si Luna, mahal ko dahil bago ko siyang kaibigan. 'Wag kang mag-alala, ikaw pa rin ang crush ko!"

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon