T W E N T Y - F O U R

512 24 0
                                    


day 115

"Bes oh my gosh!" Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nakangiti naman nang malawak sa akin si Leslie at hindi ko maiwasan ang mapangiti na rin. "Pareho tayong nasa honors' list!" Masigla niyang sabi at niyakap ko naman siya.


Matagal ko nang gustong makasama si Leslie sa honors' list. Pasok naman kasi ang grades ko. Ang problema lang ay masyadong marami ang days of absences ko sa isang buwan kaya hinding-hindi ako napasama sa honors' list.


Sinubukan ko talagang bawasan ang hindi ko pagpasok ngayong taon dahil ito na naman ang huli. At ayokong maghinala pa sina Lucas sa kung anong nangyayari sa akin. Mabuti na nga lang at hindi na ako masyadong inaatake eh.


"Tara mag-KFC mamaya! Libre ko!" Masaya kong sabi at tumango naman siya. Ite-text ko na lang sina Mommy na male-late ako ng uwi kasi gusto kong mag-celebrate kasama ang best friend.


Tuwang-tuwa kaming nag-ke-kwentuhan habang pabalik ng room nang makita naming nakatambay sa may hallway namin sina Lucas. Nang papalapit na kami ay inakbayan ako ni Kuya France at ginulo ang buhok ko.


"Honor siya oh!" Pabiro niyang sabi at natawa naman ako. Alam na rin kasi ni Kuya France na gusto kong maging honor at tinulungan niya ako sa ibang subjects na mahina ako. Wala eh, running for valedictorian ang kuya ko.


Napatingin ako kay Lucas na nakathumbs-up sa akin. Kung si Kuya France ay running for valedictorian, si Lucas naman sa pagiging salutatorian. Oh diba, kahit naman pala siraulo ang mga 'to ay matitino naman.


"Congrats din Lucas, Joshua, at Matt!" Sabi ko sa kanila at ngumiti naman ang tatlo. "Manlilibre ako sa KFC ngayon, sasama ba kayo?" Tanong ko at masaya naman silang nagtanguan. Pero agad ding nagbago ang ekspresyon nila nang tinignan sila ng masama ni Leslie.


Napakamot sa batok niya si Lucas. "Joke lang. May pupuntahan pala kami." Napasimangot naman ako sa sinabi niya at tinignan si Leslie. She just shrugged and crossed her arms, making me chuckle a bit.


"Eh sa gusto kong masolo ang best friend ko eh! Palagi na lang kayong nakabuntot sa kanya!" Asar na sabi Leslie at nagsitawanan naman kami. 'Tong best friend ko talaga!


"Oo na, oo na. Next time na lang ha." I looked apologetically at them and they sulked. Magasalita pa sana ako nang mag-ring ang bell, senyas na may 5 minutes na lang kami bago matapos ang break.


"Shana, you're too close." Napatingin ako kay Leslie nang makaupo ako. I gave her a small smile and nodded. Alam kong kaya hindi niya pinasama ang apat ay dahil may iba na ring dahilan. She's just saving them from the pain I'm going to cause later on.


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon