“Good morning anak. Ready ka na sa school mong bago?” tanong sakin ni mama. Nagpalipat ako ng school eh. Masyadong magulo dun sa school ko dati. Sobrang gulo lang talaga.
“Yes ma.” Matipid kong sagot at umupo lamesa at nilamutak na yung itlog at piniritong galunggong. Nilamutak talaga eh noh?
“Bukas nga pala, pupunta tayo dun sa friend ko ha. Sumama ka.” sabi niya habang inaayos yung baon ko. Si mama talaga, masyado akong binababy. Tsaka bakit pa ako kailangang sumama pa dun sa friend niya? Mamaya, makatulog pa ako sa boring ng usapan nila.
Buti sana kung may anak yun na babaeng chicks eh *___*
“Ayoko ma. Makikipagchikahan ka lang dun eh.” Sabi ko at tumayo na.Wala akong ganang kumain. Parang excited makapasok eh. Psh.
Makaalis na nga. Baka mamaya, pilitin pa akong pumunta dun eh. Tsaka paniguradong pipilitin akong magpagupit na. Hanggang balikat na kasi buhok ko eh. Pero who cares? Gusto ko ganito eh.
“May anak silang babae. Kasing age mo lang.”
^________________^
Ayun jackpot! Sana maganda at sexy! Whoo!
“Sige ma. Sasama na ako.” At kiniss siya sa cheecks. Namula naman ang mama ko. Minsan ko lang kasi siya halikan siya. Bitter kasi ako masyado. Ewan ko basta para sakin normal ko lang yun.
“Bye ma-ARAY!”
Pano ba naman kasi! Hinila yung buhok ko! Sa patilya pa talaga!! “Magpagupit ka na! Mamaya maturn-off sayo yung chicks na yun!”
Tinanggal ko yung pagkakahawak ni mama sa buhok ko at lumayo ng onti. Delikado eh. Baka siya pa ang mag gupit neto. May hawak pa namang sandatang gunting.
“Ayoko ma! Bahala siya sa buhay niya noh! Kung ayaw niya, ede wag. Madami pang iba diyan!”
At tumakbo na ako paalis. Narinig kong may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil nakalabas na ako. Bahala na. Kung sino man yun, bahala na. Basta wag niyang papakialaman yung buhok ko.
Medyo nalate ako ng onti pero buti nakahabol pa sa pagpasok nung teacher nila.
“Oh. Just in time ka Mr. Fangs. Please come in.” at pinapasok na ako ni Mr. Ewan. Di ko kilala eh. Nerdy nerd. Siguro binubully to nga mga istudyante niya.
Nauna siyang pumasok at hindi pa siya nakakalayo sa pintuan, may mga nagsipagliparan na mga papel, eraser at kung ano ano pa. Mas magulo pa ata to kesa sa school na dati kong pinapasukan.
“P-Please c-class! We have a n-new student!!” kawawa naman siya. Hindi kasi ayusin sarili niya. Mukhang kabully bully talaga. Tsk tsk tsk.
“SINO SEEEEEER???” narinig kong sabay sabay nilang sabi. Ang gulo nga talaga ata. Marami kayang babae? I hope not.
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Novela JuvenilUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?