Tch..
Badtrip.
"Nice game Spirit! Idol!”
Tch.
Sayang. Hindi kasi natapos yung laro pero leading ako ng 4 points. Nagbell na kasi eh. 5 minutes nalang yun! Badtrip talaga. Pero...leading naman ako diba? Ehh...parang ako narin yung nanalo. Ha! Kala niya ha. Psh.
At least...manalo o matalo...akin si Rhian. Off campus or on. Mas lalo naman pag wala sa school noh! Kasama ko siya sa bahay eh. San pa siya.
Lunch break na pero ala parin siya sa room. Lumabas kasi siya kanina bago mag recess. Hindi ko naman siya mahanap. Sinilip ko yung classroom nila Ethan pero andun naman siya. Asan na ba yung babaeng yun?
Bakit ko ba hinahanap? Ala lang. Pagtritripan ko lang. Badtrip talaga ako kanina nung dumating yung EX FACTOR nay un. Ex na nga diba? He’s supposed to stay away! Badtrip talaga. May papunas punas effect pa. kakainis. Meron naman siyang kamay!
Pumasok na ulit ako sa room at nakaisip ako ng way. Nilapitan ko yung magsyotang alam kong kaibigan ni Rhian. Alam kaya nila?
“Excuse me..pero alam niyo ba kung nasan si Rhian?” wag nyong sabihing hindi niyo alam. Nakita kong nagpaalam si Rhian sainyo bago siya lumabas.
“Sabi kasi ni Rhian na wag sasabihin sayo na nasa swimming poo-“ hindi na niya natapos yung pagsasalita ni Hersheys nang takpan ni boyfriend ang bibig niya. Tss. Wag pala sabihin na. Hahaha. Salamaaat.
May 30 minutes pa para asarin si Rhian. Ano kaya pwedeng iutos? P.A. ko siya diba?
Dumederetso na akong pool at andun na nga siya...lumalangot. Varsity ba siya? Magaling siyang lumangoy eh. Nagpasya ako na maghintay na lang. 30 minutes? Ilang minuto ba ang balak nito mag feeling mermaid.
Lumipas ang 10 minutes at sa wakas ay natapos din ang shokoy natin. Mukhang hindi niya ako napansin dahil naglalaro laro pa yung paa niya sa tubig. Nakatalikod pa naman sakin. May balak ba to mag ayos na at 12:10 na oh.
“Shokoy.”
Tumingin siya sakin pero hindi naman nagulat. Bitter? Baka meron? Ay. Nagbababad sa tubig tapos meron? Kumusta naman yun. Umahon na siya at inabot ko yung twalya niya. Bait ko noh? Pero wala man lang thank you. Sungit.
“Oi sungit. Malapit na matapos lunch break. Baka gusto mong magpatuyo na?” bati ko nung umupo pa siya sa upuan na medyo malayo sakin. Ako lang ba o parang ang putla niya? Ay tangeks. Siyempre nag swimming diba?
“Mauna ka na. Wala naman akong sinabing paalalahanin mo ako diba?” sabi niya at tumayo na. Ang sungit talaga nito.
“Alam ko pero...concerned lang ako.” Weh di nga? Naghahanap ka lang ng pwede pagtripan Spirit. Concerned. Kelan ba nasama yan sa bokabularyo mo? “Bilisan mo na. Hihintayin na kita. Andito narin naman na ako eh.”
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Novela JuvenilUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?