Chapter 22 - Spirit

25.3K 300 9
                                    

Read and Vote v (^^v )

Sexy Marjorie on the gif <333

+++

It's been a month na pero ganun katagal ang ITINAGAL ng hindi pakikipagusap sakin ni Rhian. Oo. Hindi niya talaga ako pinapansin. Hindi ko alam kung naiilang lang ba o iniiwasan talaga ako dahil ayaw niya sakin. Ouch lang eh noh?

Foundation day na namin bukas. Gusto ko sanang makasama siya the whole day pero...pano ko gagawin yun kung lagi siya kasama ni Yubin? Ginagantihan niya ba ako dahil kasama ko lagi si Marj? Eh...sorry naman diba? Tinutulungan ko lang si Marj...hindi ko pa pala nasasabi sakanya kung bakit kami magkasama ni Marj. Tsk..

“Huy Spirit dear. Ano nanaman yang tinutunga tunganga mo diyan?? as I was saying...magkikita daw kami ng fiance ko bukas! Right here! Sa school!! Waaaahhh! Pano nalang kung pangit?? Anong gagawin ko? Haaaayyyyyy...” ang kulit neto. Tsk. Hindi siya ang gusto kong kasama! Si Rhian ang gusto ko! Ang panda ko!!!!

 

“Ahh..soo..anong gagawin natin?” tanong ko at kumunot yung noo niya at ginulo yung buhok niya. Nabubuwang na to oh. “alam mo naman na si Rhian ang gf ko diba? I want to spend my time with her starting tomorrow.” sabi ko at ininom ko yung juice ko.

 

Nagpuppy eyes siya sakin at nagbuntong hininga. “Then I have no choice no? I have to accept the fact na ikakasal ako sa isang panget na kaschool mate ko.” sabi niya at sinubo niya yung burger niya at may mga ketchup na kumalat sa baba niya. Tignan mo to. Parang baboy kumain.

 

“Ano ba yan Marj! Babae ka na??” tanong ko at pinunasan yung ketchup gamit yung daliri ko. “tsaka, hindi mo pa nga nakikita yung guy tapos sasabihan mo na agad na panget. Malay mo...mas gwapo pa sakin yun!” tapos tumawa ako. Hahaha. Adik lang eh noh.

 

Pero biglang tinabig ni Marj yung kamay ko. Ngumuso siya sa may likod ko. “Girl friend alert. Nose flaring.” sheesh. Alam ko na yang sinasabi ni Marj. Patay na to oh. Lumingon ako at nakita kong nakatayo sa may pintuan ng canteen si Rhian at nakatingin ng masama. Tatayo na sana ako pero tumakbo siya paalis. Nako oh. Nagseselos nga. Tsk tsk. This is bad.

Hinabol ko siya at tinatawag pero hindi man lang siya huminto. Hanggang sa tumakbo na siya. Siyempre hinabol ko parin. Hahaha. Halos inikot na namin yung buong campus na naghahabulan at tinatawag yung pangalan niya. Para talaga kaming tanga. Nakakahiya aish!

 

Pero hinabol ko parin siya. I want to show her na kahit anong taboy ang gawin niya sakin, I won't give up following her whereever she go. Hinabol ko parin siya hanggang sa makaabot kami sa rooftop pero sasarhan niya sana ako ng pinto pero pinigilan ko.

 

“LEAVE ME ALONE!” sa wakas nagsalita na siya! Shet. I missed her voice. Isang buwan niya ako hindi kinikibo. Palagi nalang si Mars ang ginagawa niyang messenger.

 

Hinahatak ko yung pinto pero pinipilit niyang pigilan sa pagbukas. Sobra naman yata siya magselos...don't tell me...mahal niya na talaga ako? Ahahaha. I don't know why pero natutuwa ako. Maybe I'm falling for her? ^____^

My Perverted Master (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon