KISSES sa picture ^__^
+++
Nakalipas na ang apat na taon. Apat na taon ever since yung katangahang ginawa ko. Ever since nung araw na yun, araw kung kelan hindi ko na talaga naabutan si Spirit...I keep on regretting everything.
"Are you sure you want to go alone? Pwede naman akong sumama." sabi ni Mars. Malaki naring bata to. Hahaha. 9 na siya eh. Nakow. Mas lalong naging matured.
"I'll be fine guys. I promise na pag balik ko dito, kasama ko na si Spirit." oo. Pupunta ako sa Italy para lang makita si Spirit ulit. Gusto kong makita si Spirit.. Kahit...makita ko man lang kung okay siya dun.
Hindi natuloy kasal naming dalawa ni JP due to his work pero...ang sabi niya sa parents ko, which is a bluff lang, na papakasalan niya nalang daw ako pag settled na siya sa trabaho niya. I don't know what he means though.
"Rhian...tandaan mo na ang laki laki ng pupuntahan mo. Tsaka..iba lenguahe dun. Hindi lang english." sabi ni Chris. Yun nga lang. Malaki talaga yung bansa na pinuntahan ni Spirit. Ang tanging pag asa ko nalang ay yung litrato at yung libro ko ng basic language nung bansa.
"Sandali nga Ry. How can you find Spirit in Italy? Eh malaki ding city yun!" Yambi. Ngumiti ako at may kinuha sa pocket ko na picture. "At ano naman yan?"
"Basta! Thanks to ate badette, nahanap niya kung saan nagtratrabaho si Spirit."
"At san ka titira?" tanong ni Paul.
Sa totoo lang ay hindi alam ko rin alam kung saan ako mgsstay. In the streets? Magtinda sa palengke or something (kung meron man dung palengke, why not). Ang tanging naisip ko ay 'bahala na' nalang.
'Flight **** now boarding. Please surrender your boarding pass to your respective gates. Thank you and have a good flight.'
"Ayan na Ry. Good luck girl ah!! Iuwi mo si Spirit dito ha!!" sabi ni Jam at nagyakapan kaming lahat.
Sayang wala yung Kisses couple namin na sila Hersheys at Jasper. Sayang naman. Sabi daw kasi nag out of town daw yung dalawa eh. Hindi man lang ako hinatid TT___TT
"salamat guys. Sige....see you soon." kumaway na ako at dumeretso sa gate. Pag pumasok ako dito...there's no turning back na. I was hoping na sana madali ko makakasama si Spirit. "Hmmm..L 2...san ba to...ayun."
Sa may bintana ang upuan ko pero may isa pa akong proproblemahin...yung maleta kong maliit pero ginto ang laman. Tumingin tingin ako sa paligid.
"Uhmm..pwede po patulong?" tanong ko dun sa isang mama pero tinignan lang ako nito at umupo na. Ang rude naman nun. Pano ko itataas to?? Nakow naman. Uhhh...may nakita akong isang mama ulit na inaakyat yung bag niya.
"Kuya, pwede po patulong po iakyat to?" tanong ni ko. Tinignan ako ng masama nung lalake.
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Teen FictionUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?