Chapter 15 - Rhian

25.5K 299 2
                                    

Let's Go Back to Rhian na. 

Pahinga na muna si fafa Spirit ^___^ 

+++

"ate! ate! san tayo pupunta?"

Nakakainis siya! Nakakainis talaga! Sabi na eh! May relasyon sila nung babaeng yun! Nakakabwisit! Nagkunwari pa siyang hindi niya kilala! Nadamay pa tuloy ako sa gulo nilang dalawa! Pahamak talaga sa buhay ko yung taong yun!!

"ate! bumalik na tayo sa bahay! Hindi ka pa magaling! Hindi ka pa napapagaling ni kuya Spirit! Ang init mo parin oh!"

Maghalikan ba naman sa bahay ko?? At sa harap pa ng kapatid ko! Parang walang pinagaralan. Leche.

"Ate naman! nasasaktan na ako oh! Napapagod na ako! Ang sakit na ng paa ko!"

Kung gusto nila ng PRIVATE time, lumabas sila ng bahay namin. Maghanap sila ng MOTEL at dun sila maglandian. Sabi na eh. Bringing him into the house is a big mistake.

"ate. pag di tayo huminto, sisigaw ako na kidnapper ka sige."

2 araw palang siya sa bahay, ang dami na niyang ginawang hindi maganda. Nakakainis talaga!! 

"ATE!!!"

>o<

Waaaaah!! Kasama ko pala si Mars! Kawawa naman kapatid ko. Halos kaladkarin ko na. Ang sama ko naman na ate oh. Tch. Aish. Ang hapdi ng mata ko. Ang init ko parin. Mas lalo pa ata ako magkakasakit sa nakita kong nakakasuka kanina eh.

Napatingin ako sa kapatid ko at unti unti nawala yung naiinis niyang ekspresyon and it turned into worry.

"A-ate...bakit?"

Bakit daw? Ano meron? Kumunot yung noo ko at lumevel sakanya. Tinanggal ko yung buhok niyang halos kainin na niya at nilagay sa likod ng tenga niya. pati yung bangs niya na sabog na sa hangin at pawis. 

"Bakit Mars? Sorry ha...you have to witness such thing...sorry din kung napagod kita. Inis na inis kasi ako eh." sabi ko at parang naiiyak si Mars.

Hala. Natrauma ata siya sa nakita niya kanina. Bwisit talaga sa buhay ko yung lalaking yun. UGH.

Nagulat ako dahil niyakap ako ni Mars at humagulgol siya sa iyak. Kawawa naman baby sis ko...

"ate...bakit ka ba lumuluha ng ganyan?? Kung nasasaktan ka, ilabas mo lang. Wag mong pigilan..."

?_____?

Ha? Ano daw? Ako? Lumuluha? nasasaktan? Ha?? Ano ba tong pinagsasabi ng ka...pa...tid ko. Hala...hahahahha. Gash. Oo nga...I can see myself tearing up in the glass window of a certain restaurant here. Gad.Abnormal tong matang to ah. 

My Perverted Master (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon