Alam niyo...gusto ko nang tumalon sa cliff ngayon na. Miss na miss ko na si Rhian. Sobra. Gusto ko siyang yakapin at harutin. I want to say I'm sorry sa pag hindi ko pagpansin sakanya. Mahal na mahal ko na talaga si Rhian. I realized I can't live without her. I want her back pero...may obstacle...
“'san! Balikan mo na kasi yung gf mo oh! Silang dalawa ni JP yung magkasama!” sabi ni Kyla...pinsan ko.
“It's too late Kyla...she broke up with me na.” damn. Naiiyak ako! Pero ayoko! Aasarin lang ako netong pinsan ko. Namewang siya at ginulo yung buhok ko. “oi wag! Kakaayos lang niyan!”
“Tignan mo to! Mas mahalaga pa yung buhok niya na wag magulo kesa magulo yung relasyon nila. Ano ka ba Spirit! Wag mo ngang intindihin yung sinabi sayo ng dad niya! Kung mahal mo talaga si Rhian, ipaglaban mo!”
“Bakit ko ipaglalaban? Mas mahalaga yung pagaaral niya sa Paris kesa sakin! Andun yung buhay niya Kyla.” ang nakuha ko? BATOK. Tsk.
“Alam mo ikaw. Ala ka talagang kwenta. Nakakainis ka! Ede fine! Hayaan mo siyang umalis! Hayaan mong BAGO siya umalis eh...sila NA ni JP. Magdusa ka pinsan. Bahala ka diyan.” sabi niya at nilayasan ako. Tignan mo to. Alam nga niyang lonely ako tapos iiwan lang ako? Sama. Tsk
Nakakaasar lang kasi eh. Bakit ganun...bakit niya hinayaang halikan siya nung lalaking yun? Sino ba yun? Nakita ko yung itsura nung lalaki...familiar siya at gwapo. Mas gwapo pa sakin. Damn. Naiinsecure na ako leche.
But...she really broke up with me...pero...diba...diba hindi pa naman ako pumapayag?? Tama. Hindi pa kami break...I will surprise her mamaya. I will take her back...
“Kyla! Kyla! Halika sandali!!” hinabol ko si Kyla. Pumasok na siyang CR pero sumunod parin ako. “Kyla! Magusap naman tayo. Alam ko na kung pano ko maibabalik sakin si Rhian!”
“Well good for you. Pero pwede ba? Nasa cr ka ng ladies oh. Labas ka muna!”
“Hehe..sorry.” sabi ko at palabas na sana ako nang may dalawang babaeng pumasok. Hindi yata ako napansin dahil busy sila sa pagchichikahan.
“oo nga! Totoo yun! Nasa clinic ngayon si Rhian! Hinimatay kanina!”
“sabi na eh. Si JP pa nga yung nagdala sakanya dun eh.”
“ede binabantayan ni JP si Rhian ngayon?”
“Hindi ata. Ang alam ko tinatawagan niya yung bahay nila Rhian eh. Iuuwi niya na daw.”
si Rhian? Hinimatay? Iuuwi ni JP si Rhian sa bahay nila? What the...before I knew it..tumakbo na ako ng mabilis papuntang clinic. Dahil ba sa ginawa ko? Nanghina ba siya dahil sa ginagawa ko sakanya? Damn it. Hindi ko mapapatawad sarili ko pag ako ang dahilan...
“Rhian??” sabi ko agad pag pasok ng clinic. Nagulat yung school nurse namin sa biglang pagpasok ko. Si Rhian naman...gising at nagulat sa pagdating ko. Nakita kong namumuo nanaman yung luha niya sa mata. I missed her...gusto ko siyang yakapin...
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
أدب المراهقينUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?