Dedicated sa pinakamamahal kong dongsaeng. Unni miss you so much. Saranghaeyo :*
Salamat po sa mga nagbabasa!! ^^=
Happy New Year!
+++
Asan na kaya si Ethan? Malapit na mag uwian eh. I really need to clarify things with him. Ayokong magkaroon kami ng misunderstanding. Haaaay. Banas kasi na lalaking yun eh! Gigilitan ko leeg nun nang maging SPIRIT na siya talaga eh.
“Bye Ethan! Lock mo nalang yung room pag labas mo ha. Byeeee.” Narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ni Ethan.
Grabe...inabot ako ng uwian nung makita kong nasa classroom pala siya. Hindi naman kasi sinasabi sakin eh.
“Oh! Rh-“ si ate Jialle pala. Sumenyas ako na wag siya maingay at nagnod lang siya. “Sige ha. Una na ako. Good luck!” Best friend yun ni Ethan eh. Isa nga siya sa mga pinagselosan ko dati eh. Wahaha.
Sumilip ako at naka dungay si Ethan sa bintana. Nakatalikod siya at pinaglalaruan yung mga daliri niya. Gosh...suot pa pala niya yung couple ring namin.
Para sakin...si Ethan na ang pinaka perpektong lalaki sa mundo. Gwapo pa...I missed his back. Nung kami pa...sa likod ko siya palagi niyayakap siya. Matangkad kasi siya...tapos...basta! Ang sexy niya pag nakatalikod. Hahahaha.
“E-Ethan...”
“I was expecting you..”
Naks. Parang nag shooshooting lang kami ng action movie ah! Kung makaporma naman to..parang loan shark or something eh. XD
“I want to talk to you. About earlier...kasi...nakita mo na....”
RING RING RING
O_O
Sino naman to? Napalingon siya sakin at kumunot yung noo niya. AISH!! He was really expecting my explanation!! Bwisit naman kasi na nag message na to eh. Napaka wrong timing.
“Sige na...tignan mo muna kung sino yan...baka importante.” Sabi ni Ethan at binalik yung tingin sa salamin. Gumagabi na. Orange na yung paligid. Gusto ko magexplain bago ako umalis.
Kinuha ko yung cp ko sa bulsa at unknown number ang nakalagay. Sino nanaman to??
‘Don’t you dare tell your ex na we’re just acting a while ago. Sabihin mo na totoo lahat yun..kundi...’
HUH?!? Sino to??? Let me guess...it’s that Spirit nanaman. Ano ba problema non at trip na trip niya ako?? Galit na galit ba siya dahil dun sa pagkakagupit ko sa buhok niya?? Eh kasalanan niya naman eh! Nanghahalik nalang siya bigla bigla eh!
Bahala ka sa buhay mo espirito ka! Wag mo sirain moment k okay Ethan. HMPH!
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Teen FictionUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?
