Chapter 18 - Spirit

25K 289 4
                                    

"So you're the famous Spirit Fangs."

Uhhh...sino ba to? Eto ba yung katulong nila? Grabe ah. Ang ganda naman ng katulong nila! "Err..excuse me pero..sabi kasi ni Marjorie na sabihin ko daw sayo na tawagin yung ate niya."

Nanlaki yung mata nung babae at nagtatatawa. Bakit?? May nakakatawa ba sa sinabi ko?? 

"Oh my God Spirit! Don't tell me pinagkalaman mong katulong yung ATE ko???" nagulat naman ako dito kay Marjorie! Ang bilis niya naman yata? O sadyag mabagal lang talaga ako maglakad? "Ate Jam ko yan! Baliw! Yan yung nurse na gagamot sayo."

Napangiwi nalang ako. nakakahiya naman! Kaya pala parang ang gandang katulong nito. Delikado si daddy. Wahahahaha!! Pinapasok na nila ako at pinatuloy dun sa isang kwarto na parang clinic. Puro mga gamit na panggamot eh. 

"Maupo ka. Tanggalin mo na yang t-shirt mo para magamot ko na yan." napansin niya yata't naghehesistate ako kaya tinanggal niya yung mask ko at may tinuro siya sa ding ding. Lisensya siya ng isang passer sa board exam. Wow. So nurse pala talaga siya! Ayos! Hihingi ako ng tips sakanya habang nandito pa ako! hehehe. "oh ano? should I continue or should I leave you bleeding to death?"

"Continue na po." sabi ko at binalik na niya yung mask niya. Asan na kaya si Marj? Baka may salamin dito na two ah! tapos sinisilipan ako. nakooooo!! subok na to ah! sobrang daming beses na nangyari sakin yung ganun. "Uhmm...asan po si-"

"Nasa kusina. Gumagawa ng tinapay at juice." grabe naman tong si ate! wala pa nga akong sinasabi eh! malay niya ang tinatanong ko yung mama nila o dad nila. Kala ko ba nurse to eh bakit parang psychic pa yata. Naupo siya sa may likod ko at may naramdaman akong basa na malamig at habang tumatagal humahapdi. What the hell is that??

Pero hindi ako nagwala sa sakit. Lalaki ako noh. Hahaha. Baka mamaya isipin neto...jokla ako. no freakin way. "Kung nasasaktan ka na...wag mong kimkimin. Ilabas mo. Dahil mas masasaktan ka lang pag hindi mo inilabas yang nararamdaman mo."

Wow ah! advice medical ba yan o love advice?? hahaha. nakakatuwa naman to! Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam na natamaan pala ako kanina! Andrenaline Rush siguro talaga. Wala na talagang nakalaman sa utak ko kundi ang safety ni Mars eh. 

naalala ko nanaman si Mars. Sinabi na niya kaya sa ate niya? Wag naman sana. sayang yung pag walk out ko. Hahaha.

"Could you tell me what happened or is it confidential?" tanong niya.

Sasabihin ko ba? O wag nalang? Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko diba? Hindi naman ako nakapatay ng tao. Eh lahat ba? Sasabihin ko?? Ay bahala na nga!! sasabihin ko nalang lahat. Badtrip oh.

So ayun nga...nasabi ko nga talaga lahat. Simula sa panghahalik sakin ni Marj hanggang sa pagwalk out ko sa bahay nila Rhian. Narinig ko nalang na pumapalatak siya. 

"Sira ulo talaga yung babaeng yun oh. Ilang beses na na nakatikim sakin yun pero hindi parin nadadala! At ikaw naman. Ang taray mo ah! may pa walk out effect ka pa! At bakit naman ayaw mo sabihin dun sa girl friend mo ang totoo?" 

My Perverted Master (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon