Dedicated kay ate Mirana. Hina-high blood siya kay Rhian eh. Nakakatuwa. hahahaha.
Read and Vote ^__^
+++
Ilang minutes nalang...magsstart na ang program. Hindi ko pa kasama si JP...kausap niya pa sila mama. Nakakainis. Anong gagawin ko? Papayag ba ako? Pero pag hindi ako pumayag...sila Spirit ang mapapaalis...bakit ganun? Haaayy...
"Rhian...ano na?" tanong sakin ni ate Badette. Ugh...hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam. Asan na ba si Spirit? Gusto ko siya ang escort ko. "Rhian...papunta dito sila mama." bulong sakin ni ate and true enough, hatak hatak nila si JP na nakasimangot at parang napilit na ewan.
"Anak, he's your escort. Siya naman ang fiance mo diba? And we are announcing to the whole congregation about your engagement with him." sabi ni papa. Napatingin ako kay JP at nakatingin lang siya sa iba. Parang...hindi niya rin gusto ang nangyayari. Or baka ala lang sa mood.
"Okay." ang tanging nasabi ko at hinawakan ko na yung braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko at napatingin sakin. Pero hindi siya nagsalita. Ano ba meron dito sa lalaking to? May LBM? "Start na JP. Good luck satin." matamlay kong sabi. Gusto ko sana umiyak e pero...haaay...ewan ewan...
"We don't have to do this...pagnilantad kita sa media, baka masira buhay mo. And...si Spirit-"
"Please...just...let's just get this over with." sabi ko at lumabas na kami. There's no choice naman diba? Pag hindi ako pumayag sa gusto nila, sila Spirit ang mapapahamak. Mas importante na safe sila. At...bakit parang ang bait netong JP na to? Nakokonsensya na kaya? Psh.
"thank you everyone for coming to my daughter's late debut party. Yes indeed my little girl is now a big lady AND...she will get married as soon as she graduates college." si mama pala ang nagsasalita. Haay...Spirit...I'm so sorry...I'm doing this for you naman eh... "I want you all to meet her fiance...."
"Rhianne's handsome and famous fiance...John Paul Villaruel! He's also known as...PJ Villaruel! Let's give our young couple a round of applause." Dapat si Spirit ang pinapakilala nila eh. Hindi tong katabi kong lumalangoy sa pera.
Ngumiti nalang ako ng ngiting aakalain nila ay totoo. Si JP naman, nakatingin lang sakin. At nakatingin sa sahig. "JP, umayos ka. Ngumiti ka. Baka isipin nila na ako ang nagpropose sayo." pagkasabi ko nun, narinig kong nagbuntong hininga siya at ngumiti at kumaway kaway. Masunurin din naman pala eh.
Binigay sakin nung MC yung mic at....anu bang sasabihin ko? Aish. Bahala na. Bahala na talaga.
"Hi goise! Hahaha. Adik lang eh. Ayun! First of all, salamat as in SALAMAT sa mga dumalo ngayon sa debut party kong ubod ng aga." nagtawanan at nagsigawan yung mga tao. "Ay hala. Feel nila prom oh. De biro lang. So yun nga...salamat talaga. And I want to say that...even though I'm still 18, I'm already engaged to this handsome guy right here beside me."
YUCK. I feel like I'm gonna be sick. I can't believe I'm saying this. "I'm really lucky to have a guy like him as my husband in the future...well...tama na ang kakornihan. Let's get the party started!"
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Fiksi RemajaUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?