Chapter 3 - Rhian

44.1K 524 19
  • Dedicated kay Erica Calzada
                                    

Buti nalang talaga at uwian na! Oh my gosh. Hindi ko makalimutan yung kanina. Feel ko ang init init parin ng mukha ko. That was my freaking first kiss!

Naiiyak nga ako eh. Gusto ko kasi ang first kiss ko, sa future husband ko. Kaso ninakaw naman ng isang tsoggong transferee na kahit libag niya sa katawan ay hindi ko kilala. 

 May ganti naman ako sa hayup na yun. Ginupit ko talaga yung buhok niya! Akala niya huh. Pft. Sinong tinakot niya. Alam na alam ko na mahalaga sakanya yung buhok niya kaya pinapahaba niya.

 Pero hindi ko naman sinira. ‘trim’ lang. Pinutol ko yung bangs niya at pinakita yung batok niya. Kala niya ha. Hindi pwede dito yung ganong buhok! Inunahan ko na ang guidance. Bwahahaha.

 Nakakainis talaga! Gustong gusto ko magwala! Leshi!

 Isumbong ko kaya yun kela kuya??? Ay...wag nalang pala. Hihiritan lang ko nung mga yun eh. Dederetso nalang ako sa pinapatabko nilang parlor. HEP! Straight mga kuya ko! Pero pinapatakbo lang nila para marami silang business.

 Tsaka ang manager dun ay yung mga girlfriends nila! ^^ super bait nga nila eh. Hehe. Tinuruan din nila akong gumupit ng buhok kaya...kahit papano, hindi ko sinira yung buhok nung Spirit na yun.

 Pero kailangan niya ipaayos agad yung kung ayaw niyang mag dry yung buhok niya dahil gunting na pang papel lang ang ginamit ko. Bwahaha.

 *blag*

 >__________<

Gash. Ang malas malas ko naman ngayong araw!! Nakakairita!!! Sheteeee!!! Aish! Nakabangga pa ako! Pero hindi lang naman ako ang may problema eh. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya eh!

 “Uh...ano...sorry...di ko sinasad-“

 “DO YOU HAVE EYES YOU FREAK?! YOU ALMOST RUINED MY DRESS! MY GOD!” hiyaw nung babaeng nakabangga ko. Maganda damit niya eh. Fit na fit tapos yung heels niya sobrang taas. Tapos....maganda siya..

 Parang model.

 “Uhh..sandali...hindi ka rin naman kasi-“

 “So you’re putting all the blame on me now? Do you have money to pay my designer if you damaged my dress and hospital fee if you damaged my skin??” dinuro duro pa ako. Gash. Nakakahiya naman!

 Ang daming nakatingin! Lahat ng year pati mga taga college! Para akong tindera sa palengke na nabuhusan siya ng tubig na pinaghugasan ng bangus at sinisigawan ng magandang dilag.

 "Ah..hindi...sorry...”

 “YOU’RE SO STUPID YOU UGLY FREAK!”

 TT___________TT

 Ako na. Ako na pangit. Sorry kung nung ginagawa ako ni Lord, napagod siya at nakatulog tapos natapakan niya kaya nasira tapos pag gising niya ginawa niya na agad akong baby sa tyan ni mama. Akala niya okay na ang itsura ko.

 Nakakahiya talaga. Ang lakas lakas pa ng boses niya. Nakakahiya talaga. Paano nalang kung dumating si Ethan? Ede makikita niya tong eksena na to? Baka sabihin niya nakikipag away pa ako.

 Napatingin ako sa paligid at...

 >o<

 Andun nga siya!! Nakatingin siya samin na gulat na gulat at tinutulak niya yung mga nakaharang. Help me Ethan please. I really need your help. Napapahiya na ako.

 “Babe? What’s going on? Who’s she?”

O________________O

 BABE?! WHAT THE...

 “Spirit?! She’s....she’s your girlfriend??? And what do you mean by ‘who’s she'?? I’m your girlfriend!!”

"Ah eh...sandali..hindi...” waaah!!! Naiipit ako!!! Ano bang nangyayari!! ETHAAAAAN!!! Asan ka ba????

 "You’re crazy. Hindi kita kilala! Ambisyosa ka ha. Tara na nga BABE. Hayaan mo dyan yang baliw na yan.” Sabi ni Spirit at hinatak ako paalis. Talagang diniinan yung BABE eh noh? Eh kung ingudngud ko kaya labi neto sa lupa kaka babe niya sakin loko siya.

 Uhhh...sandali...nagbubuffer pa ang utak ko. Gad. Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang nangyayari at tinatawag tawag akong babe nitong kaklase kong manyak na tsonggo at hindi ko nga kinakausap.

 Nung makalayo na kami...binitiwan na ako ni Spirit at nilagay yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya at naglakad paalis. What the...he doesn’t even care sa nangyari kanina? Hindi man lang ba siya mageexplain?!

 “HOY!”

 “KANINA KA PA HOY NG HOY AH! MAY PANGALAN PO AKO!”

 >_________<

 Nagulat naman akooo!! Grabe. Badtrip siya? Dapat nga ako ang mabadtrip sa ginagawa niya sa napakatahimik kong buhay eh!

 Sino ba kasi yung kanina?! Bakit mo akong ginamit na panangga mo ha?! Hindi ka man lang ba magsosorry???” tanong ko sakanya ng sunod sunod at hinabol ko siya. Kukulitin ko to. Kala niya ha. Hmph.

 “Ano ka ba? Reporter?? Ang dami mong tanong ah. Lubayan mo nga ako!” sabi niya at binilisan pa maglakad. Aba. Kala niya matatakasan niya ako huh. Kahit tumakbo pa siya ng mabilis, maaabutan ko siya noh!

 Track and Field champion to teh!

 “Magexplain ka kasi! Ang daming nakatingin kanina! Tapos yun..ano...basta lahat! Make a public apology!”

 “Ano ako pangulo? A-S-A.” damn him. Inispell pa talaga eh noh. Nakakainis tong taong to. “Dun ka na nga!”

 +__+

*PAK*

“ARAY!” 

My Perverted Master (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon