It's Kuya Justin ^___^ =======>
++++
It's been a month simula nung maaksidente si Spirit. Oo. Yung 'boogsh' na yun ay ang pagkabangga ni Spirit sa isang poste. Nung imbestigahan yung kotse, nawalan daw ng break. Nag 50/50 yung buhay niya pero Thank God talaga at okay na siya pero...
He's still not waking up. Isang buwan na pero hindi ko parin kasama si Spirit hanggang ngayon. Nakalipas na ang birthday at monthsary namin. November 29 ang birthday ko at day na sinagot ko siya. Nakakainis...bakit pa kasi kailangan madisgrasya siya eh. I hate him...
"Ry, pupuntahan mo ba si Spirit mamaya?" tanong sakin ni Yambi nung lunch time namin. Araw araw ko naman pinupuntahan si Spirit eh. In case na magising siya, ako ang nasa tabi niya. Sinasamahan din ako ni Kyla o kaya ng barkada ko minsan pag wala silang ginagawa. Pero for me...kahit may hw o wala...pumupunta ako. Dun ko nalang ginagawa.
Nagnod ako at matamlay na sinubo yung sandwich ko. Nangayat na daw ako. Lagi kasi ako nagaalala at nasstress out sa tuwing hindi pa siya nagigising. God knows kung anong hirap ang inaabot ko simula nung maaksidente siya.
"Ano ka ba Ry! Wag kang ganyan. Dapat alagaan mo sarili mo para pag nagising si Spirit, you're fine! Sa tingin mo ba pag nalaman nung halos hindi ka na kumakain, matutuwa siya?" nasermunan nanaman ako ni Hersheys. Ehhh...sa ala akong ganang kumain e. Ala talaga akong gana kumain eh.
"I'm fine...really..."
"Ay nako Rhian ah. Kokotongan na talaga kita. Tignan mo nga sarili mo. Daig mo pa ang nagdidiet sa payat eh." diet daw? Hahaha. Sa dami dami ng pwedeng ihalimbawa, yung nagdidiet pa talaga? Adik tong si Paul.
"Okay lang talaga ako noh! Kulet niyo. Hahaha. Sige na! Babalik na ako ng room. Baka malate eh." sabi ko at umalis na. Hindi naman talaga sa room ang balak ko eh. Gusto ko sa roof top...mag eemote? Aahaha. Di rin. Gusto ko lang mag isip isip...
Umakyat na ako at pagdating dun, huminga ako ng malalim. Nasinghot ko na yata na lahat ng polusyon ng Pilipinas. Aissshhhh!!! SPIRIT NAMAN EHHH!!! Haaaayy..kelan ka ba magigising?? Tignan mo nga ako oh. Panda na panda na talaga ako.
"Wagas ka naman Rhian makasinghot. Masipsip mo kaming lahat ah."
Nagulat ako sa nagsalita at napalingon ako. Tsk. Si John Paul Villaruel. Nakasuot siya ng damit na parang...ewan..hahaha. Ewan ko basta ang daming abubot! Parang yung suot nila Gackt chu chu? Bakit to nakaganito? Eh may pasok.
"What are you doing here?" pagtataray ko. Siya daw yung suppose-to-be fiance ko sabi ni Spirit. Kahit na ba gwapo siya eh. La ako ker. Si Spirit ang love ko hindi siya. Psh.
"Hey, wag ka naman magalit sakin oh. I just want to be friends...after all...magiging asawa din kita." sabi niya at ngumisi siya. Grrr! Ang obnoxious niya!!
"Hindi ako papayag. Ayoko sayo. Mas pipiliin ko nalang mamatay kesa mapakasalan ka." inis na inis kong sabi at lalayas na sana ako kaso hinila niya yung braso ko. "Ano ba! Let go! Ang sama mong tao! Sa tv mukha kang anghel pero mas masahol ka pa sa demonyo!"
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Teen FictionUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?