It's sweet little Mars <3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
What.
The.
HELL??
Anong ginagawa ng babae na to dito?? Jusko. Aatakihin ako sa ngalangala dito eh.
"Huy! What are you doing here?? Uwian na oh!" sabi ko sa multong Rhian pero nakatitig lang siya sakin. Nararamdaman ko na na unti unting gumagapang ang mga alaga kong goosebumps sa katawan ko.
"U..wian...na? Si...ge...sa...la...mat..." dahan dahan niyang pananalita at tumalikod na. At san naman pupunta to? Eh alang pintuan sa pinupuntahan niya. Multo nga ata to.
O___O
"HEY!"
Buti nalang at mabilis ako kundi, nabagok na ulo nito sa pagbagsak niya.
Ano bang nangyayari dito sa babae na to? Hala...she's burning up! Kinarga ko na siya ng bridal style at balak kong dalin siya sa ospital.
Alam ba ng mga kaibigan niya na may sakit siya? Bakit hindi man lang nila sinabi? O kaya hinanap man lang talaga? Gad. Kawawa naman tong si Rhian. Mag isa lang dito! Nag swimming pa kasi! Feel niya naman, makakatulong sa pagbaba ng lagnat niya ang paglangoy. Tsk.
Nagkasakit ba siya dahil sa laban namin? Dun kaya yun? Ay. Hindi naman siguro.
Papunta na ako ng parking lot ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko.
"Is that...Rhian??"
Sino pa ba? Ede si Ex? Akala ko ba umuwi na to? Hinahanap niya rin kaya si Rhian? Well..sorry siya. Ako ang unang nakahanap. At ako ang panalo sa laban namin, kahit ano pa ang sabihin niya.
"So what if she is?" pagmamatigas ko. Hindi ko matanggal yung kamay niya dahil kinakarga kong mabuti si Rhian. Ang bigat niya pala! Tsk. Ang tangkad kasi eh.
"Is she sick?" sabi niya at hahawakan niya sana yung noo ni Rhian pero tinabig ko ng kamay ko. Pano ko nagawa yun? Ewan ko. Andrenaline Rush siguro. Tumataas nanaman alta presyon ko sa lalaking to eh.
"Stay away from her, Ethan. She's mine now. I won the game. She's not yours anymore kaya...don't assume she's still yours. Excuse me. Dadalin ko pa siya sa ospital."
Buti naman at tumakbo na ang mga hamster sa utak nito at binitawan na niya yung balikat ko. Siguro naman nagaral siya ng English diba? Siguro naman naintindihan niya ang sinabi ko. Totoo naman eh. Wala na sila ni Rhian. Wag na siya maghabol.
Hindi ko siya dinala sa ospital dahil sayang lang sa pera. Mahirap lang ako diba? I can take care of her on my own hands. Marunong naman ako so...okay narin. Inuwi ko na siya sa bahay NAMIN at inabutan ko si Mars na natutulog sa sala at nakabukas yung cartoon network.
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Teen FictionUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?