Chapter 1 - Rhian

98.2K 948 45
  • Dedicated kay Mariel Velardo
                                    

  dedicated ang first 6 chapters ko sa beloved B-Kiss ko. Coz I miss them so much at sila lang ang naiisip ko ngayon. 

I love you guys! Hoping to see you soon!! :*

Read first and VOTE :)

+++

“I’m sorry pero...I want to break up with you.”

He...He wants to break up with me?? Bakit?? Dahil ba sa parents ko? Nakakabanas naman. Pero bago ako magalit...I want to know his reason. Ganun ko siya kamahal eh.

“Okay but...please explain to me why...” sabi ko na nagpipigil ng iyak.

 “Nahihirapan ako...I love you pero ayaw sakin ng parents mo. Ayoko naman na ipilit ang sarili ko sa pamilya mo.”

 Yun lang? He’s breaking up with me dahil dun lang? Hindi ko alam kung katanggap tanggap yung reason niya pero...fine...ayoko maghabol. If he wants that...then I will give it to him.

 Ngumiti ako ng bongga at niyakap siya. I will definitely miss him. Kaso ang mahirap...makikita ko siya araw araw sa school. Mahihirapan ako nito.

 “Mamimiss kita. Pabango mo...mga yakap mo...putok mo-“

 “Hoy! Putok ka dyan! Ala ako nun noh! Baka ikaw!” nagulat naman ako dito sa lalaking to! Wahaha. Inaasar ko lang naman para hindi masyadog awkward atmosphere eh.

 “Joke lang! Defensive much ka ah! Paamoy nga baka meron talaga...”

 “Wala nga! Kukutusan kita dya eh.”

 I need to go. Bago pa magbago ulit isip niya. Ako kasi yung taong ayaw na ayaw ko yung binabawi yung sinabi niya. Nakakabwisit lang kasi. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Tama ba yun? Mali ata yung meaning ko nun.

 “Sige na ha. I need to go back to class. Malalate na ako eh. Ikaw rin! Balik ka narin. Bye!” bumitaw na ako sa pagkakayakap sakanya at paalis na.

 Pero hindi pa pala ako makakaalis agad. Niyakap niya din ako ng nakatalikod ako at I felt na pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Medyo matangkad din naman ako. 5”5 ako at 5”9 siya so...ayun.

 “I’m so sorry Rhian. Mahal kita. Hindi magbabago yun. Maybe...right now isn’t the right time for us...I’ll wait hanggang sa matatanggap na ako nila Tita.” Sabi niya at medyo kinilabutan ako dahil bumubulong siya malapit sa tenga ko.

 Tinapik tapik ko yung kamay niya at kinalas na yung pagkakayap niya sakin.

 “It’s okay...really...well...I guess I’ll see you around. Goodbye Ethan James...bye.” at tumakbo na ako paalis.

 Bakit kasi ganun ang parents ko. Sobrang higpit nila. Nakakasakal. Sa sobrang higpit nila, feel ko hindi na nila ako mahal eh. They keep on forcing things on me kahit hindi ko gusto.

My Perverted Master (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon