Pagpaumanhin niyo guys...less comedy at romance starting this chap. Medyo seryoso na tayo. Hahaha.
Pero ayun po...salamat sa support...sa pagvovote at pagcomment...pati narin sa mga nagfafan at naglalagay ng MPM sa kanilang mga reading list. Tenchu po talaga. Hehehe.
Let the investigation START!
+++
<SPIRIT'S POV>
Ang masasabi ko lang...THIS IS MY MOMENT, my moment...it's my time...de biro lang. Hindi po ako fan ni Rebecca Black ah. Pero di ko rin siya hate. Hehehe
Pero di nga. Pwera biro. Moment ko na nga to. It's my time to shine. Kasi...I'll be helping na malocate yung dad ni Panda ko. Syempre dagdag pogi points din pag naibalik ko na siya diba? Odebadeba? Hahaha. bad talaga ako. nakuha ko pang magbiro at this time.
Pag tanggal kaba lang naman. Andito kasi kami ngayon sa labas ng kwarto ni Tita/mama ni Rhian. Pero halata ko sa mukha ni Rhian na mas kabado siya. After all...she's been in bad terms with her parents. Ngayon na nasa panganib ang lagay nung dalawa...it's time na para mag step back in si Rhian sa buhay ng parents niya.
Bumukas yung pinto at may isang binibining ubod ng gandang lumabas. Ako'y natindig sa angking kagandahan ng dilag na yaon. Nais ko sana'y lumapit ngunit ako'y dinalaw ng aking konsensya....hindi nararapat na siya'y aking ibigin sapagkat..."Rhian...pumasok na kayo. Spirit...gusto ka makita ni mommy..." bumakas sa labi ko ang pag ngiti at ako ay tumango. HAHAHAHAHA!! Tama na nga leche. Ano nanaman bang pumasok sa kokote ko at naisip ko yun. Baliw. Pinat ako ni ate Badette sa balikat at sumunod ako sa aking minamahal XD
Tama na Spirit. Magseryoso ka na tol.
"Ma, andito na ho ako." bulong ni Rhian sa mommy niya. Lumingon ng dahan dahan si tita at medyo matagal bago siya napangiti. Parang hindi niya pa nakilala si Rhian nung una. Grabe...ganito pala pag nagkasakit sa puso? Oh hindi naman?
"Rhian? Anak? Buti...buti dumating ka na anak." nakita kong umiiyak na si Rhian pero nakangiti parin siya. Tears of joy yan. Kasi kahit kelan hindi naman siya tinatawag na anak ng parents niya eh. Tinatawag nga siyang ganun pero hindi naman sincere. "Anak...si tatay mo *cough cough*...si papa-"
BINABASA MO ANG
My Perverted Master (COMPLETED)
Teen FictionUnang Boyfriend...Unang Heartbreak...Kaya bang saluhin ni Spirit ang HB na si Rhian o gagawa ng paraan si Ethan para mabawi ulit si Rhian?