Chapter 23 - Rhian

27.1K 265 9
                                    

READ AND VOTE!! 

Who's he? Check out sa huli :) =======================>

Kaasar naman talaga yung babaeng yun oh! Kumukulo parin dugo ko sakanya!! Aish. Kahit ba magkaibigan sila eh. Kala mo...kung makadikit siya, sila na. Aish. Naiinis din ako kay Spirit! Ang flirt masyado. Badtrip. Pshh.

Nagtungo na ako papunta kela Yubin. Kumpleto na sila agad? Ang bilis naman nila! Excited much? San ba kasi kami pupunta?

“Oh andyan na ang VIP natin. Akala ko ba hindi ka sasama?” binatukan ko nga tong si Chris. Batang to oh. VIP daw? Sensya naman.

“Ehhh...basta! Eto na nga ako diba? Hello? Why am I even here kung hindi ako sasama diba??” pamimilosopo ko. Nagtawanan nalang kaming lahat. “So, san ba tayo pupunta?” tanong ko.

Tumingin silang lahat kay Yubin. So..hindi parin nila alam kung saan? Masyado naman kasing pamystery tong si Yubin eh. Ngumiti si Yubin. “Wag na maraming tanong! Let's go na!” sabi niya at nagsipagalisan na kami. Sumakay ako kela Yubin at kasama ko si Hersheys at si Jasper.

“Hoy kayong dalawa diyan sa likod! Jasper, dito ka sa harap! Maghiwalay naman kayong dalawa for once! Baka mamaya, kung anong gawin niyo diyan sa likod ah!” ako kasi ang nasa harapan eh tapos yung dalawa nasa likod.

“Ang sama mo Yubin!” sabi ni Hersheys.

“Hahaha. Sige na sige na. Lilipat na ako. Mamaya naman magsasama ulit tayo eh.” sabi ni Jasper at nakita kong hinihila siya pabalik ni Hersheys. Tignan mo tong dalawang to. Baka mamaya magkapalit na to ng mukha ah! “Sige na hon. Maya nalang. Byeeee...”

Lumabas na ako at tumabi sa nagmumukmok na Hersheys. Hahaha. Ang kulit kulit. Pinaandar na ni Yubin yung kotse at nagtungo na kami sa dapat naming puntahan. After ilang minuto, huminto na yung sasakyan at naunang lumabas si Hersheys.

“Oh. This is your clubhouse ah! Ano nanaman to? Diba pumunta na tayo dito kahapon?” ohh? Nasa clubhouse nanaman kami? Hahaha. Lulunurin ata kami neto sa alak eh.

Pinatay na ni Yubin yung makina at lumabas narin siya. “Pumasok nalang kayo! This is the grand opening na. At may important announcement ako mamaya kaya sinama ko kayo.” ayyy...exciting! Hahaha.

Pumasok na nga kami and...WOW. Ang daming tao! Tapos nagsasayawan sila at umiinom na yung iba. Party na party talaga! Ang saya! Hahahaha. Magagalit si Spirit neto pag nalaman niyang pumunta nanaman ako dito. Hahaha.

“Hey guys. I'll get back to you later. Uumpisahan ko na yung 'ceremony' ko.” sigaw niya dahil ang lakas lakas nung sounds. Nag nod nalang kami lahat at tumakbo na siya paalis. Bongga talaga yung Yubin na yun oh!

"Oh ano? Anong gagawin natin dito? Tutunganga?? Inuman na! Hahaha.” siraulong Paul. Hahahaha. Nagorder sila ng 4 na bucket ng tanduay Ice. Pag pasensyahan na ang mga kabarkada ko. Gusto mamatay sa alak ng maaga oh.

My Perverted Master (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon