OMG 3-3: Facing Death

1.2K 67 3
                                    


*WANGGGG WANGGG WANGGG*

Minulat ko yung mata ko. Nakita ko madilim na kalangitan habang pumapatak ang ulan sa aking katawan pero ni hindi ko ito maramdaman na dumadapo ang lamig sa katawan ko.

Umupo ako sa pagkakahiga. Nandito pa rin ako kung saan ako nawalan ng malay pinagmasdan ko yung paligid ko.

Wala ma yung babae kanina pero Andaming liwanag mula sa sasakyan. Madami ding tao ang nakapalibot sa akin at tila natataranta ang lahat. Sa gawing kanan ko naman may nakita along isang puting kotse na basag ang salamin at kalat ang dugo sa harap nito.

Napakunot ang noo ko.

May lumapit sakin na isang lalaki naka facemask siya at may hawak siyang notebook. Na para bang kinukuhanan niya ako ng impormasyon. Sa kabilang banda hagip ng mga mata ko ang mga nagkakagulong tao sa paligid ko.

Napatayo ako bigla at anong bang iniisip ko. Kailangan ko nang umuwi gabi na. Baka nagaalala na sakin si mama.

Nagsimula ako maglakad. Lalapitan ko sana yung lalaki kung anong meron dito. Pero di niya ako pinansin. Snobber si kuya. Aalis na sana ako mula sa lugar para umuwi na kaso na papause nalang ako bigla sa nangyari.

Nabangga niya ako. Dapat napaatras man lang ako. O dapat naramdaman ko. Pero bakit parang...

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. At kung among dapat kong isipin.

Napalingon ako kung saan ako nakahiga kanina.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. Ano 'to?

Nakita ko yung sarili kong nakahiga habang duguan ang ulo sa daan.

Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. Linapitan ko ang nakahimlay na ako. At sinubukan kong hawakan pero tumagos lang.

Napaupo ako sa daan. Imposible 'to. Naalala ko yung babae kaninang lasing. Hinanap ko siya sa paligid kaso wala siya.

Hindi 'to totoo. Panaginip lang 'to.
Kinurot ko yung sarili ko pero wala akong naramdaman.

Wahhh mama gisingin mo na ako please! Ayaw ko na. Gisingin mo na ko! Mama

Napahagulhol na akong ng iyak. Pero walang nakakapansin sakin. Walang nakakakita. At linalagpasan-lagpasan lang nila ako.

"Buhatin niyo na!"-sigaw nung lalaki. Saka niya bunuhat yung katawan ko. Saka ipinasok sa ambulamsya.

"Hoy mga punyeta kayo! Anong—san niyo dadalhin yung katawan ko!" -sigaw ko pero di wala sa kanila ang nilingon ako. Susugudin ko na sana sila ng may napansim ako sa bandang baba.

Bukod sa napkin na nabili ko. Sa di kalayuan nun. May parang kwintas akong nakita. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko 'tong kwintas na 'to. Tinangka kong pulutin pero di ko magawa. Hanggang sa masipa nung lalaki na dumaan yung kwintas papunta sa kabilang gilid ng kalsada. Hahabulin ko sana pero yung katawan ko muna. Nyeta san nila dadalhin yon! Isasara na nila yung pinto ng albulansya at sinubukan kong sumakay pero may tila parang pumipigil sa akin.

Agad naman nilang pinaharurot yung albulansya at naiwan dito ang mga pulis na nagiimbistiga.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari parang mawawala na ako sa sarili ko. Ayaw ko na.

Dinala ako ng mga paa ko pauwi. Lahat ng taong nakakasalubong ko. natagos lang sa katawan ko.

Lahat ng bukambibig nila ay yung nangyari.

Nakarating ako sa bahay. Nabutan ko si mama na nasa kusina habang nagma-marinate.

Buhos muli yung luha mula sa mga mata ko. Akmang yayakapin ko na sana si mama kaso ni wala akong naramdaman at tumagos lang siya sa pagkakayakap ko.

Napaupo na ako sa lapag. Ano bang nagyayari sa akin

"Nasan na kaya yung batang yun" -mama. Tiniganan niya yung oras sa relo niya.

"Mama. Nandito ako" -ako. Habang humahagulhol ng iyak.

•••

End of the Chapter

Thanks for reading
xoxo

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon