OMG 7-7: Priority?

1K 51 2
                                    

Author's Point Of View

"Cut! Cut!" Saway ng direktor saka tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa aktor

"Nakakailang take na tayo dito. Pwede bang ayusin mo na yang trabaho mo. Nakakapagod na sumigaw ng sumigaw sa bawat mali mo aba!" Bulyaw ng direktor.

"S-sorry po" saka siya nag-bow na ng bow.

"God! Nakakaloka na 'to. Okay 5 minutes break tayo. Rose pagtimpla mo nga ako tea dyan. Bilis!" utos ng direktor sa staff

"Okay po"

Nanatili ang dalagang actor sa kanyang pwesto at tila lutang lutang.

"Ma'am okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba ng coffee or tea?" Saka siya kinulbit-kulbit ng isang staff.

Nagtauhan naman ang dalaga at napatingin dun sa staff.

"Wag mo nga akong hawakan" pagtataray ng dalaga at saka naglakad paalis putungo sa isang tent.

Naupo siya sa harap ng salamin at pinagmasasdan ang sarili.

"Wala akong ginwang mali. Wala" bulong nito sa sarili.

"Alam ko." Napatingin naman siya dun sa nagsalita.

Naglakad ito papalapit sa kanya at umupo sa upuang katabi niya.

"Pwede ba. Mag-focus ka nalang sa career mo at wag mha walang kwentang bagay yang nasa utak mo" wika ng isang matandang babae na puno ng kolorete ang mukha.

Inirapan lang ito ng dalaga.

"Puno ang schedule mo by next week. Mukhang gumaganda lalo ang career mo. Keep it up. By now, Mag-focus dito." Inabot nung matandang babae ang script na kinuha naman ng dalaga.

Tumayo na ang matandang dalaga at aktong aalis na.

"H-how is she?" Biglang lumabas sa bibig ng dalaga.

Napahinto naman sa paglakad ang matandang babae at lininggon ang dalaga at tinitigan ito mula sa salamin sa harap niya.

Tinaasan niya ito ng kilay

"Mind your own business. Focus on things that makes your career up" wika ng matandang babae, Tila galit ang tuno ng pananalita nito.

Sinamaan naman ito ng tingin ng dalaga. At ngiti naman ang iginanti ng matandang babae saka tuluyang umalis sa lugar.

Pero kahit na sinabi na ng matandang babae na huwag na iyon alalahanin. Bawat eksena ng pangyayaring iyon ay tila naglalaro pa rin sa isipan ng dalaga.

•••
End of the chapter

Thank you for reading
xoxo

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon