OMG 26-26: Dasi run! run! run!

823 35 0
                                    

Gelly's Point Of View

"Anong kakainin natin?" Tanong ni Namjoon

"Dun sa masarap!" Sabay turo ni Jungkook sa jollibee

"Ano bata lang!?" Biro ni Taehyung.

"Bata pa naman si Jungkook ah!" Wika ko, Sinamaan niya ako ng tingin na nasa tabi lang ni Jungkook

"Bata pa naman ako ah!" Depensa ni Jungkook. Oo kookie inulit mo lang.

"Ugok! Isip bata kamo" Pang-asar ni Taehyung. So binubully niya ang ilong ni kookie ngayon?

"Sige ganyanin mo lang si kookie, singhutin Ka niyan eh" wika ko, Muli niya akong sinamaan ng tingin.

Sabat ba naman ako ng sabat sa usapin syempre kahit multo ako di ako magpapa-out of place 'no!

Baka mapanisan pa ajo ng laway dito.

"Singhutin ka niyan. Hala ka" -Oo Hoseok re-ne-phrase mo lang yung sinabi ko. Bigay bigay din ng credits uy!

"Bilisan niyo maghanap ng kakaininan bago pa kayo pagkaguluhan dito sa daan mga gago!" Bulyaw ko. At tanging si Kim Taehyung lang ang nakarinig at ayun

"Bilisan niyo maghanap ng kakaininan bago pa kayo pagkaguluhan dito sa daan mga gago!" Ulit ni Taehyung.

May eco pala dito bat ngayon ko lang nahalata.

At the end sa jollibee din ang bagsak nila. Etong si kookie abot ilong na ang ngiti kulang nalang matatalon siya sa tuwa.

"Dahil wala si manager KKBMU tayo" wika ni Jimin. At nanguna sa pagpila sa counter

"Kanya-kanyang bayad?... ano yung MU?" Ulit nung anim na tila clueless na clueless

MU? Baka monster University? Sabe?

"Kanya-kanyang Bayad Mga Ugok!" Wika ni Jimin.

At binigyan siya ng death glare ng anim.

"Jimin you got no Jams" Pang-asar ni Namjoon.

Awts! Sakit nun jimin. Wawa is you. Ano babanat ka pa?

Nangunguna sa Linya si Jimin, sumunod si Suga then si Hoseok,si seokjin, jungkook, namjoon then at last si Kim Taehyung ko.

Medyo matagal ang usad ng pila andami kasing ino-order ni Jimin.

Ano 'to? Isang linggo di pinakain??

Nako kaya naman pala ganun yung height. Okay lang yan jimin ibawi mo sa pandesal dyan sa tyan mo.

Ohmyg, Naglaway tuloy ako bigla. sht naalala ko yung pandesal ni Taehyung ko.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Bulong ni Kim Taehyung.

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon