OMG 65-65: Is this Love?

745 30 8
                                    

Gelly's Point Of View

*Buzzz buzzz*

Nagising ako sa vibrate ng phone ko sa bulsa ko, Unang bumugad sakin ang brown na kisame,

Napagtantuan ko na sa sofa pala ako nakatulog, Umupo ako mula sa pagkakahiga at halos mapasigaw nalang ako sa nakita ko.

"T-Taehyung?" Sinipa sipa ko siya para magising siya na ngayo'y nakahiga sa lapag na walang sapin kundi yung carpet namin.

Gumalaw lang siya at nagunat pero di pa rin nagising, Napansin ko na yun pa din yung suot niya kahapon,

"Wahhh Did he really sleep here?" bulong ko sa sarili ko.

Agad ko naman tinignan yung phone sa bulsa ng pantalon ko,

"Gising na ang Mudra mo, We're now otw home, At wag na wag ka lang namin dyan na maabutan. Nako nako mabalitaan ko lang talag na di ka pumasok"

Text message from lola, Napangiti naman ako sa balita niya. At saka ko lang napansin ang oras na, 6:55am, 5 minutes nalang late na ko, And sure ako, maya maya lang nandito na sila.

Agad naman ako nagbihis ng uniform, Syempre matik na hindi na ako aabot sa klase, All i need to do for now is wag magpaabot kina Mudra dito sa bahay, Di ko alam kung anong kahantungan ko.

Naligo ako saglit at nagbihis, At agad ko namang ginising si Taehyung

"Hoy Taehyung tumayo ka na dyan bili! Pilit ko siyang hinila patayo pero sht lang mga beshie ganon pala siya kabigat.

"HOY TAEHYUNG TUMAYO KA NA DYAN KUNG AYAW MO MASIPA!" Bulyaw ko sa kanya

"Ano ba yan eh, Natutulog yung tao eh" Umupo siya sa pagkakahiga pero akmang may plano pang matulog.

Binuhat ko siya patayo at kinuha yung jacket niya na nakasampay sa upuan,

Eto namang gago, Nanadya pa atang magpabigat.

Inalalayan ko siya palabas ng bahay pero binato ko naman siya dahilan oara halos mapasubsob na siya nung nakalabas kami ng bahay.

"Start mo na kotse mo bili!!" utos ko sa kanya habang naglolock ako ng bahay,

Pero itong gago, Parang may balak pa atang matulog sa kalsada.

"Hoyyy!!" bulyaw ko muli sa kanya, Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakahiga... oo nakahiga talaga siya dun,

Sumakay na siya sa sasakyan at gayon din ako.

"Paandarin mo na!!" utos ko na tila madaling madali

"Wait lang nawawala yung susi" wika niya eh hawak niya kaya -__-

Bangag pa siya...

Tinuro ko yung susi na hawak niya saka i-start ang kotse, Akmang paadarin na niya ito pero imbis na umabante, Umatras ito.

"Hoy Taehyung! Maawa ka sa trash can namin!" Bulyaw ko sa kanya, Oo , nabangga lang naman niya yung Trash can namin na kabibili lang nung isang araw, Nayupi lang naman siya -_-

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon