OMG 10-10: Manang Hwadang Service

1K 51 2
                                    

Manang Hwadang's Point Of View


*Boshhhh*

Kung nasan mang lupalop ng bahay kayong mga bata kayo. Mamatay kayo sa takot. Bwahahaha

*Boshhhh*

Pero wag kayong mag-aalala kung sakaling dito na kayo mamatay.

Ako na ang bahala sa mga kaluluwa niyo.

*boshhhh*

Dinig ko na ang tilian nila.

"Wahahahahaha nasakin ang huling halakhak!" Napapalakpak naman ako sa tuwa.

Mabuti nalang gumagana pa at maayos ang sound system na 'to.

Naglakad na ako pabalik sa silid.

Wala pala yung mga batang yun eh.

Ang lalakas ng loob mag-trespassing

Nadatnan kong bukas ang pinto. At sa kasamaang palad. Walangya'ng multo 'to. Nakatakas nanaman.

Buang rin kasi ako eh. Bat ko kasi siyang iniwan na din nakatali. Walangya. Paghahabolin nanaman ako. Aba't nirarayuma na nga ako rito.

Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa at kinuha ang iti—.

Putangina!

"NASAN NA ANG LIBRO!"

Napatayo ako at hinanap 'to sa buong silid. Sigurado akong iniwan ko lang 'to dito.

Wala sa ilalaim ng mesa o upuan.
Wala din sa lalagyan ng libro.
Wala kahit saan.

Putangina. Sa 80 taong kong nanghuhuli ng mga kakaluwang ligaw ngayon lang nawala sakin ang libro.

hindi na ako nagsayang ng oras at lumabas ako ng bahay para hanapin ang kaluluwang iyon. Malamang pa sa alamang panigurado ako na may alam yun sa pagkawala ng librong iyon.

Habang naglalakad ang dami kong nakikitang ligaw na kaluluwa kaso wala akong magawa dahil wala sakin ang itim na libro balewala lang din kung huhulihin ko sila at paniguradong makakawala rin ang nga iyon.

Pero natukso na ako ng aking damdamin na kailangan ko silang patahimikin kaya't kinuha ko ang tali mula sa bulsa ako. At akmang lalapit na sana ako sa isang kaluluwa para hulihin siya kaso...

"Nay, kayo nanaman?!" Humarang ang mga tanod sa harap ko.

Puta. Kayo nanaman.

"Nay, pang-ilang beses ho namin sasabihin sa inyo na wag na kayong lalabas ng bahay at magpagala-gala sa lugar ng walng kasama kundi mapipilitan kaming ihatid kayo sa mental" Wika nung tanod

Sa tinaggal tagal ko nang nanghuhuli ng kaluluwa at sa araw araw na pagharang ng mga tanod/pulis sakin halos masaulo ko na ang dialogue nila. Puta lang hah. Mukha ba akong baliw? Di naman diba? Di lang kasi sila relate

Dahil nga humarang itong mga walangya'ng tanod na 'to. Wala akong nahuling multo at na-barangay nanaman ako. Putangina mga taong 'to. Yari ang mga kaluluwa niyo sa'kin pag namatay kayo.

•••

End Of The Chapter

Oha! Palaban si Manang Hwarang 'no? ㅋㅋㅋ

Thanks for reading
xoxo

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon