Author's Point Of View
Sa pagtatakpo muli ng dalawang dati'y magmatalik na kaibigan, Di mapigilan ni Irish ang galit na nararamdaman nito kay Noemi, Simula nung talikuran siya ng kaibigan, Hindi niya maalis sa isip na lumalabas na ginamit lang niya ang dalaga para maabot ang sarili nitong pangarap.
Pumasok siya sa loob ng opisina at gaya ng kanyang inaasahan naroon sa loob ang sadya niya,
Napatingin ang dalawa sa dalaga na tila kinikilala ito,
"She's here" wika ng CEO, Naglakad ito dahan dahan hanggang sa makalapit sa dalawa at hinarap ito
"Kilala mo pa ako" tinaasan niya ito ng kilay.
Napansin niya na napatingin pa ito sa I.D niya saka niya nakita ang expresyon na matagal na niyang hinihintay,
Nagulat ang dalawa na para bang nakakakita ng multo
"I-irish?" nauutal na wika ng isa
"Yes Tita The one and only" nakangiting sambit ng dalaga
Tila natahimik ang lahat, Bago pa man tuluyang magiba ang ihip ng hangin, Lumabas muna ang CEO upang makapagusap ng pribado ang dalawa
"Long time no see, Kamusta ang career mo? Kamusta yung mga taong inapakan mo?" saracatic na wika ni Irish, Hindi niya mapigilan na ilabas lahat ng galit niya kay Noemi na ngayo'y nasa harap na niya
"Mga taong inapakan ko? Watch words Irish, Di mo parin talaga alam kung sino ang kinakalaban mo" Kampanteng sagot ng dalaga, Ngiti ang iginanti ni Irish dito.
"Mukhang ikaw ata ang di nakakakilala sa kinakalaban mo" wika naman ni Irish
Tila nag iba naman ang expresyon ng dalawa sa sinabi ni Irish
"Ano bang gusto mo?" Napatingin naman si Irish sa Manager ng dalaga at nginutian ito.
"Simple lang naman" sarcastic na wika ni Irish. Tila binalot ng curiosity ang dalawa nang iniabot sa kanila ang isang litrato.
Ang litrato ito ay yung mismong litrato na nasa article na kumakalat.
Nanlaki ang mata ng dalawa at namuo ang galit at inis ang nararamdam nila
"I-ikaw ba—" Sa boses ni Noemi halata ang inis at galit na nararamdaman nito.
"Oo ako nga, May iba pa ba?" humakbang siya papalapit sa dalaga at kitang kita sa mata nito ang inis
"Naiinis ka na ba? Nagagalit ka na ba?" lalong lumapit ang dalaga kay Noemi at napaatras naman ang dalaga
"Ano nang gagawin mo? Mang-aapak ka nanaman ba ng iba para sa career mo? Sabay dun ka naman magaling diba?" Lalong lumapit ang dalaga pero bago pa man makahakbang pabalik si Noemi ay itinulak na ito palayo ng manager niya.
BINABASA MO ANG
Oh My GHOSTness! (completed)
Teen FictionEvery Fangirls dream is to marry their Bias Her name is Gelly BANGTAN BOYS FUTURE WIFE, A famous boyband who compose of 7 flower boys. but how she can marry her bias, If her life already ended? hindi porket patay na ang bida, Tapos na istorya ng buh...