OMG 25-25: Her savior, Yoongi

766 35 1
                                    

Author's Point Of View

"Yoongi?" Nababalot ng takot ang tinig ng dalaga.

"Please help me" mas binilisan pa niya yung lakad niya hanggang sa mapatakbo na siya.

Nanatili parin na nakadikit sa tenga niya ang phone habang katawagan ang binata.

Isang grupo ng kalalakihan ngayon ang humabol sa kanya. Wala siyang mahingan ng tulong dahil wala mashadong tao sa lugar.

Ginawa niya ang lahat para makalayo sa mga kalalakihan pero sa bandang huli naharangan siya ng mga ito. At pinalibutan

Nabalot ng takot ang dalaga at pinagdasal na makaligtas siya mula sa mga kalalakihan na nakapalibot sa kanya.

"Alam mo ba kung gaano kadelikadong maggala sa lugar na katulad nito miss?" Wika ng isang lalaki

Naibaba niya agad ang tawag at niyakap ang sarili na halos binabalot na ng takot at kaba..

"W-wag niyo kong lalapitan" nauutal-utal na wika ng dalaga.

Mga nasa apat o limang lalaki ang nakapalibot sa kanya ngayon

"Wag ka magalala miss. Magiging maayos ang lahat kung sasama ka samin ng matiwasay" wika naman nung isang lalaki habang nagtatawanan at dahan dahang lumapit sa kanya. Akamang hahawakan na sana nito ang dalaga ng bigla-bigla nalang 'tong tumumba at halos mapahalik na sa samento.

"Wag niyo siya lapitan eh. Mga ugok" napatingin naman ang dalaga sa lalaking nasa harap niya ngayon.

Nakampante siya, at kahit papaano nawala ang takot na nadarama niya

"Y-yoongi" wika ng dalaga.

"Bat ang pasaway mo sinabi nan" sermon ng binata. Di na niya naituloy ang sinabi niya nang bigla nalang siya nitong suntukin. Pero agad din naman bumawi ng suntok si Yoongi.

Sa di inaasahan ang isa sa mga lalaki ay naglabas ng isang blade. Nabalot ng tesyon ang dalawa.

"Ano papalag ka? Kung ayaw mo masaktan ipaubaya mo na yang babaeng yan. Sa amin. Saka kami ang nauna sa kanya pre" Satsat ng lalaki. Pero tinignan lang ito ng masama ni Yoongi kaya naman sumugod na ang lalaki at akmang sasaksakin siya. Agad naman niya nahabkot ang kutsilyo at tinapon sa kung saan

"Takbo!" Utos ni Yoongi.

"P-per—" halos maluha luha na ang dalaga at tila di alam kung anong gagawin

"Takbo!" Utos nito.

"Hahanap ako ng tulong" sabi ng dalaga saka ito mabilis na tumakbo. Akamang may hahabol pa rito pero agad naman itong sinuntok ni Yoongi.

Patuloy niyang nilabanan ang mga kalalakihan hanggang sa makakaya niya.

Di nagtagal may dumating na tanod na agad naman nilang tinakbuhan ito. Nagaitakbuhan ang mga kalalakihan na ngayon ay puro pasa sa mukha sa direksyon na kabaliktaran na tinakbuhan ni Yoongi.

"Hoy kay-aga-aga!" Sigaw nung mga tanod

Sa ngayon ang kailangan naman niyang ingatan ay sarili niya. Ayaw niya hintayin na may makakilala pa sa kanya at kumalat pa 'to sa media.

Kahit may sakit na nadama mabilis siya tumakbo palayo sa lugar.

Di bale na nasugatan siya basta alam niyang ligtas ang taong mahalaga para sa kanya.

•••

End of the chapter

Thanks for reading
xoxo

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon