OMG 11-11: Gelly as Jin's makeup artist

1.1K 53 2
                                    

Gelly's Point Of View

"Bella! Anong klaseng make up yan. Putangina. Yung eyeliner mo di pantay pantay. Puta tapos yung lipstick na linagay mo putangina anong tingin mo kay Jin? Babae?!" Bulyaw ng Head ng staff sakin. Pwede na siyang mag-debut as a rapper. Nyeta. Andami niyang arte. Ang ganda nga ni jin sa make up ko sa kanya eh. Asdfghjkl. Tapos habang mine-make up-an ko siya asdfghjkllajsisndoaowwddos huta kinikilig eke. Dahil sa nasobrahan ako sa kilig ayun hindi nga nagpantay pantay yung eyeliner ko sa kanya. Intindihin niyo nalang yung feels ko.

"Sorry po sir. Sa susunod po aayusin ko na po yung trabaho ko promi—"

"Stop. YOU'RE FIRED!!" Bulyaw ng Head ng staffs. With matching duro-duro pa sa exit.

Hala ang OA niya hah. Inggit lang siya sa make up ko Jin eh. Huta! Nakihiram lang ako ng katawan! Sht. Sa lahat ng sinasapian ko, wala akong magandang naidudulot. Pero okay lang yan makatao naman 'to.

"Sir please! Wag ganun! Promise aayusin ko na po yung make up next time. papagwapohin ko na po si Jin. Kahit maganda naman po talaga siya. Please please Sir. Wag niyo kong tanggalin. Gagawin ko po ang lahat!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Halos mapaluhod na ako sa harap niya at halos mahubuan ko na siya kasi nakahawak pala ako sa pants niya. Siguro naman may belt siya.

"Puta. Bitawan mo nga muna yung pantalon ko!" Napabitaw naman ako agad. Baka nga wala siya belt. Sorry sir

"Uhm. Excuse me. Kung dahil po sa make up niya sakin kaya niyo siya tatanggalin. Please don't. Its okay lang naman. And im pretty sure na aayusin na niya sa susunod. Right?" pagtatanggol sakin ni Jin. OhMyG!! Jin! Biglang sulpot siya sa usapan. OhmyG!! Pinagtatanggol niya ba ako? OhmyG! Swerte naman ng sinapian ko. Na-notice siya ni Jin. Sht!

Nakaluhod pa rin ako sa sahig. At napatingin sakin si Jin. Nakatutulala lang ako sa kanya habang kumikislap ang mata. OhmyG! Ang gand—este pogi niya talaga. Habang nakatingin ako sa kanya para siyang nagliliwanag. OhmyG!. I'm dyin— patay na pala ako.

"Let me help you up" Jin offer his hand to me.

Sheytttt. Napangiti naman ako ng abot langit. Sheytt. Yung kamay niya. Syempre chance ko na 'to inabot ko yung kamay niya aarte pa ba ko? at tinulungan niya ako makatayo. Puta ang lambot nung kamay. Nakatinginan kami sa mata ng isa't isa habang tinutulungan niya akong tumayo. Sheyt. He's precious eyes.

"Okay fine. Pero okay lang ba talaga sayo jin" Wika nung Head staff

Tumingin naman sa kanya si Jin na nakangiti at tumango.

Bumalik naman ulit sakin yung tingin ni Jin sa akin

"Ahh yung kamay ko po?" Wika ni Jin.

Napatingin naman ako sa kamay namin. Putangina. Holding hands parin kami puta. FOREVER IS REAL!

"Ayy" Pebebe ba? Ganyan talaga pag kinikilig. huehuehue

"Salamat ah" Ngiting abot langit pa rin ako sa kanya. At nginitian din niya ako. OhMyg! im so kinikilig talaga

"Hoy Jin!" Bigalang eksena ni Taehyung. Napalingon naman kaming dalawa sa kanya. Na sinesenyasan si Jin na lumapit sa kanya. Naglakad na si Jin papalapit sa kanya.

OhmyG! Ang gwapo gwapo talaga ni taehyung gosh.

Habang naglalakad si Jin papunta sa kanya. Napansin ko na napatingin sakin si Taehyung nginitian ko siya at kinawayan pero napakunot noo lang siya at inalis agad yung tingin niya sa akin.

May pakasuplado 'tong lalaking 'to. But its okay. I'm gonna marry him anyway. Yieeee!

Nagsignal na yung manager nila na sila na yung susunod na mag-peperform kaya humiwalay na ako agad sa katawan ng maswerteng make up artist na 'to. She should give thanks to me. Duh. Jin just notice her.

Now im a Fanghost again. Sinundan ko ang pitong flowers boys na 'to papunta sa Stage. Well this time i should watch them nearer. OhmyG! yung eyes ko naging heart shape nanaman.

Pumunta na sila gitna ng stage para sa Starting formation nila.

And ako naman pumwesto sa center front ng stage. I repeat ng stage. Para mas maganda yung view.

Sheyt. 7 flowers boys wearing a school uniform in my front. Sheyt i'm melting.

Nagsimula nang magsigawan at magtiliian ang mga fans. Including me. At nagsimula na rin sila na i-perform ang Boy In Luv.

"Doegopa Neoui oppa,
neou sarangi neomu gopa
Doegopa Neoui oppa
Neol gatgo mal geoya dugo bwa"

Sa di ko siguradong pangyayari. Nagtagpo ba yung mata namin ni Taehyung. Are he looking at me right now?

"Wae nae mamuel heundeunuen geonde
Wae nae mamuel hendeunuen geonde
Wae nae mamuel hendeunuen geonda"


Habang nag peperform siya nakatingin siya sa akin. So i smile at him at kinawayan siya. And gaya ng nangyari kanina napakunot noo siya at saka nawala na yung tingin niya sakin.

Buong performance akong nakiki fanchants. I remember those days na buhay pa ako. I've never personally watch bangtan performance. Ni hindi ko rin sila nakita ng personal. Sa poster ko lang sila nahahawakan at nalalapitan. Unlike ngayon halos abot kamay ko na sila. Andami kong pwedeng sapian para makausap or ma-notice nila ako.

But i still miss those days that i'm alive. Iba pa rin yung feeling na may sariling kang katawan and life. I wonder kung may pagasa pa ba akong mabigyan ng chance to live. Or i stay forever as a ghost? I'm just curious.

•••

End of the Chapter

Thanks for reading
xoxo

Oh My GHOSTness! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon