3. Sketch

44K 776 35
                                    

Beatrix

"Hey Emma! Trix!"

Napalingon kami sa sumisigaw sa pangalan namin. Sina Mia at Sophia pala.

"What? Kung makasigaw sa pangalan namin parang wala ng bukas ah?" Natatawang sabi ni Emma.

"Kanina pa kaya kayo namin tinatawag pero di nyo kami pinapansin." Sabi ni Sophia sabay pout.

"Wag ka ngang mag pout, ang pangit mong tingnan." Natatawang saway ng roommate ko.

"Hala! Grabe ka sa'kin Ems! Porke't andyan na si Beatrix, ginaganyan mo na'ko." Nagtatampo na sagot ni Sophia.

"Tumigil ka nga, di bagay sa'yo." Parang wala lang din na sagot ni Emma.

"Wala ka pala eh. Di na uubra yang drama mo kasi. Try mong ibahin." Natatawang sabi ni Mia.

"Che! Ang sasama nyo sakin." Maktol pa din ni Sophia.

"Tara na nga lakad na tayo baka ma-late pa tayo." Anyaya ni Mia at hindi pinansin si Sophia.

"Actually, mamaya pang ten yung class ko." Sabi ko naman.

"Hoy grabe ka naman Ems! Anong gagawin ni Trix dun eh almost 2 hours pa pala ang klase nya?" Napapailing na sabi ni Sophia.

Napakamot naman 'tong katabi ko sa batok nya. "Ehh wala kasi syang kasama mamaya. Di ko sya mahahatid."

"Hmm okay nalang din naman sakin. Buti nga kasi atleast may time pa ako na mag research." Depensa ko na din kay Emma.

"O sya sya, punta ka na sa building mo Trix. Dito na kami eh. Text text nalang mamaya. Its Friday, let's go out!" Paalam ni Mia. Nasa fountain na kasi kami.

"Bye Trix! See ya later!" Nag beso si Sophia bago umalis.

Lumapit sakin si Emma at niyakap ako. "Pasensya ka na ha. Wala ka tuloy magawa ngayon." Kumalas sya at tiningnan ako.

I gave her a smile and tap her head. "Ano ka ba! Okay lang sabi. Para may time akong magstudy din."

"Sige alis na ako tinatawag na ako nina Mia. Text mo ko kung may problema ha?" Hinawakan nya ang kamay ko.

"Yes po, inay! Sige na go. Pagbutihan mo, okay?" Tinulak ko na sya para umalis.

"Masusunod, anak!" Natatawang sabi niya at nagsalute bago tumalikod tas tumakbo papunta kina Mia. Kumaway din sila sakin.

Mabagal lang ako naglakad papunta sa building namin. Wala namang use na mag madali ako kasi mamaya pa naman yung class ko. I just let my eyes roam around and enjoy the surroundings.

One thing I love about this school is the landscape. May malalaking puno at halaman na nakapalibot sa buong university.

Malapit na ako sa building namin ng napansin ko ang isang babae na nakahiga sa field, medyo malayo sa kung saan ako. Di mainit ang parteng yun kasi may mga malalaking puno.

I decided to sit on one of the benches, malapit sa entrance ng building. Dito nalang muna ako while waiting for my class.

Nilabas ko sa bag ko ang sketch pad ko. Ang ganda ng view nung babaeng nakahiga sa grass malapit sa puno ng Acacia. Nakatalikod na ako dun, but nakatatak na sya sa isip ko kaya yun nalang ang inisketch ko.

"That's nice."

"Sus maryosep!" Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa gulat. I was too engrossed in drawing that I didn't notice someone's presence. And not just someone— but that Madrigal.

"Di ko alam magugulatin ka pala." Natatawang sabi nya.

Napatitig naman ako sa kanya. Ngayon ko lang narinig na tumawa sya at syet, ang ganda sa pandinig yung tawa nyang yun.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon