44. Complications

22.3K 412 132
                                    

Beatrix

"Bayawak, kailan kita ulit makikita?" Tanong ko sa kanya.

Nasa loob na kami ng school ngayon. Hinatid na nya ako agad dito after naming kumain kanina at.... Ihhhh! Ayokong pag-usapan kung anong nangyari.

Pero hindi ko naman yun pinagsisihan, kasi ramdam ko na mahal na mahal ako Madison. At mahal na mahal ko din sya.

Handa kong ibigay sa kanya ang lahat. Kasi nga sabi nila, pag nagmahal ka, ibigay mo na lahat nang sa ganun wala kang pagsisihan sa huli.

Kung ako lang, ayoko na sanang mawalay pa sa kanya. Kaso may usapan pa sila ni grampy ngayon. Sobrang late na nga sya ng dahil sakin.

She gave me a quick peck on the lips. "Everyday." And another one. "Every minute." And another one. "Every second." And another one.

"Talaga? Babalik ka na dito?" Di ko maiwasang ma-excite. "Teka? Paano yung pag-aaral mo. Andami mo ng absences ah."

Niyakap nya lang ako sabay sabi, "Wag mo ng isipin yun. Ako ng bahala dun." Kumalas sya ng yakap at tumitig sakin. "Bakit feeling ko mas gumanda ka ngayon? Aish! Marami na namang magkakandarapa sa girlfriend ko! Kailangan na ata kita bakuran."

Natawa ako sa sinabi nya. Umandar na naman yung pagiging possessive nya. "I don't know what you're talking about. But don't worry, sayong sayo na naman ako eh."

Tumirik yung mata nya na parang nag-iisip. "Oo nga naman. You're all mine. Your heart and..." Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Body and soul."

Nahampas ko naman sya braso. "Iiihhhh!!! Shut up!" Lumayo ako sa kanya.

Naramdaman kong parang umakyat lahat ng dugo sa ulo. Sure ako, pulang pula na naman ako nito.

Tawang-tawa naman sya. "Hahaha babe, ang pula mo! Nakakagigil ka!"

"Heh!" Hinampas ko ulit sya at humalukipkip. Nang-aasar pa talaga eh.

"Alright, alright. Hindi na. Lika nga dito." Sabi nya habang kinukuha yung kamay ko pero nagmatigas ako.

Para lang talaga kaming engot dito sa loob ng kotse.

"Babe, lika na. Hug na'ko kasi kailangan ko ng umalis."

Napabuntong hininga naman ako. Alam na alam nya talaga kung anong kahinaan ko.

Hinayaan ko ng yakapin nya ako bago hinalikan sa noo.

"Sige na, alis ka na bayawak. Hinihintay ka na ni grampy." Sabi ko at kumalas sa yakap nya

Napalabi naman sya sa sinabi ko. "Kanina lang, parang ayaw mo na akong umalis. Pero ngayon pinapaalis mo na ako?"

"Aysus. Ang drama mo. Eh magkikita pa naman tayo mamaya kapag umuwi ka na." Sabi ko sabay pingot sa ilong nya.

Hinalikan nya ulit ako bago lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

She gave me another hug bago sya naglakad palayo sakin. Pumasok na sya sa kotse at nag-wave pa. Nakaramdam naman ako ng lungkot na makitang palayo na sya ng palayo sakin. Pero atleast, babalik na sya dito. Lagi ko na syang makikita ulit.

Naglakad na din ako papunta ng school. Makakahabol pa ako sa last subject ko.

Habang naglalakad ay napapaisip naman ako sa nangyari kanina. Ang weird, kasi hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon.

Basta di ko maexplain. Pero hindi naman ako nagsisisi na sya yung pinagbigyan ko ng sarili ko.

"Hoy babae! Nag-cutting ka kanina!" Bulong ngunit pasigaw na sabi ni Luis.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon