Beatrix
"Wow, di naman ako nainform na may dramarama pa lang nangyayari sa lugar na'to."
Sabay kami ni Sophia na napatingin kay Luis. Minsan di ko na din alam kung bakit ko sya kinaibigan. Sobrang panira ng moment.
"O chill, chill. Umihi lang ako, ganyan na kayo."
Pero kahit ganyan sya, nagpapasalamat nalang talaga ako sa kanya kasi parang sya yung naging ice breaker.
"Alam mo Luis, kung di lang kita gusto, iisipin ko ng bakla ka." Taas kilay at naka crossed arms na sabi ni Sophia.
Pasimple naman akong natawa. Gosh, ang straight forward ni Sophia.
"Sinong bakla, ha?" Lalaking lalaki na tanong naman ni Luisita.
Tuluyan na akong natawa ako ng inayos nya pa ang upo nya at pinakita ang muscles nya.
Napapailing nalang ako sa kalokohan ng mga 'to.
Napatingin naman ako sa may bandang cr. Hindi pa din bumabalik sila Mia at Emma. Tatayo na sana ako para sundan sila ng tinawag ako ng dalawa.
"Saan ka pupunta, Trix?" Nagtatakang tanong ni Sophia.
"Sundan ko lang si Emma. I think we need to talk."
Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko kaya't sumunod na ako sa kila Emma. Nakita kong may naghihintay sa labas nito at parang inip na inip na.
Ngitian ko naman ang babae at ngumiti din sya sakin.
Nasa labas palang ako ay naririnig ko na ang usapan sa loob. Napatingin ako sa babae at nagkibit-balikat lang ito.
"Ihing ihi na ako." Mahinang reklamo ng babae. "I guess I'll just look for another comfort room." Sabi nya na lang at umalis.
I felt bad for her. Buti nalang mabait yung babae, kasi kung iba pa yun, baka kinatok na sila Emma ng ilang beses.
Napabuntong-hininga ako. Rinig na rinig ko ang usapan nila.
Kumatok ako ng ilang beses para pagbuksan ako.
"Wait lang po." Sabi ni Mia mula sa loob.
"Mia, si Trix 'to."
Natahimik naman sila mula sa loob at maya maya narinig ko ng na unlock na yung knob.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
Nginitian ko sila. "Mia, pwede ko bang makausap saglit si Emma?"
Nagkatinginan silang dalawa bago ako hinarap ni Mia. Tumango lang ito at dahan-dahang umalis ng cr.
Paglabas nya ay tumingin ulit ako kay Emma. Nakatungo lang ito at nakatingin sa sapatos nya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ng nasa harap na ako ay niyakap ko agad sya. Parang nagulat naman ito sa ginawa ko pero kalaunan ay niyakap nya din ako pabalik.
"T-trixie?"
"Shhh. Let me just hug you until it hurts no more." Sabi ko habang niyayakap sya. "I know it won't change anything, but I want you to know that I'm here."
Naramdaman ko naman na tumulo ang luha nya sa balikat ko. Napaiyak na din ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko pero isa lang ang alam ko. Gusto kong mawala na yung sakit na nararamdaman nya.
Ilang sandali din kaming magkayakapan nang sya na mismo ang kumalas.
Tumingin sya sa mga mata ko at nginitian ako. "Magiging okay din ako Trixie. Oo aaminin ko, masakit pa din pero unti-unti ko namang tinatanggap lahat. Kasi isa lang naman ang gusto ko, yung makita kitang masaya kahit hindi dahil sakin."
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight