27. Meet Thy Grandparents

23.4K 460 100
                                    

Beatrix

I woke up to the sound of birds chirping outside the window.

Tatayo na sana ako ng maramdaman ko na may kamay na nakayakap sa'kin. Napangiti ako automatically nang naisip kung sino ito. 

Dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya para di sya magising.

Sobrang lapit ng mukha ni Madison sa'kin. Hinawakan ko ang pisngi nya, tas kilay, pababa sa matangos nyang ilong at napansinghap ako ng pagtingin ko sa labi nya ay naka pout na ito na parang nanghihingi ng kiss.

"Eeeh! Bayawak ka!" Hinampas ko sya sa braso habang sya naman ay tawang tawa lang sa kalokohan nya.

"Good morning too, babe ko. Kiss ko?" Lumapit sya sakin para hingin ang kiss nya pero tinulak ko sya palayo.

"Kiss mo mukha mo." Lumayo din ako ng konti sa kanya. Nakakahiya kaya, wala pa akong toothbrush.

"Ay, damot." Maktol nya tas umupo. Umupo na din ako pero nasa magkabilang sides kami.

"Wag ka nga! Magtoothbrush muna tayo." Napatakip ako bigla sa bibig ko.

Napansin ko naman na unti-unting sumilay ang ngiti ni Madison. "I really don't mind kahit amoy panis ang hininga mo babe." Dahan-dahan din syang nag-crawl papunta sakin.

Inay ko po!

Mabilis pa sa alas-kwatro akong pumunta sa hagdanan at natawa ako ng nakita syang nakabusangot ang mukha.

"Amoy panis pala ha. Magdusa ka!" Pinagtawanan ko sya bago patalikod bumaba. Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na pinansin.

Ngiting-ngiti ako ng makababa kaya napapitlag ako ng pagharap ay may dalawang pares na mata na nakatingin sa'kin.

Tinawag ulit ako ni Madison pero this time wala na talaga akong maisagot sa sobrang gulat.

"Arghh! Babe ko naman eh si—" Napatingin ako kay Madison na nakasilip mula sa taas at nakita ko ding nagulat sya.

"Good morning, apo!" Bumalik ang tingin ko sa matandang babae na nakangiting bumati kay Madison.

"G-grammy, grampy!" Nagmamadaling bumaba si Madison at lumapit sa dalawang mag-asawa.

Hinalikan sa pisngi ni Madison ang lolo at lola nya pero nakatingin lang sakin yung lolo nya habang nakangiti.

"Anong ginagawa nyo dito, grampy, grammy? Paano nyo nalaman na nandito ako?" Tanong nya sa kanila at natawa naman ang huli.

"Apo, alam mo naman dito sa probinsya na paikot-ikot lang ang chismis." Natatawang sagot ng lolo ni Madison.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa magandang dilag na kasama mo apo?" Nakangiting tanong ni grammy kay Madison.

Parang natauhan naman si Madison at napatingin sa'kin. Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko bago hinila papunta kina grammy at grampy.

"Grammy, grampy, meet Beatrix. My girlfriend." Automatic na napatingin ako kay bayawak.

What? I didn't expect that. Ganun ba sya ka out at kaya nya akong ipakilala agad-agad sa grandparents nya?

"Finally! Nakilala na kita iha. Ke ganda mong bata." Lumapit sa'kin ang lola ni Madison at niyakap ako.

Pagtingin ko kay Madison ay ngumiti lang ito sa'kin.

"Grampy at your service! Nice meeting you iha. Bilib na talaga ako sa taste ng apo ko." Sabi nya habang tapik-tapik ang balikat ng apo nya.

"Oo naman po." Sabi ni Madison at hinawakan ako sa bewang. "Have a sit po, kukuha lang ako ng water para sa ingo."

"Nakuuuu wag na apo. Magbihis na kayo at pupunta tayo sa kubo." Sabi ni grammy.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon