47. Downfall

18.4K 375 287
                                    




Should I give up or should I just keep on chasing pavements even if it leads no way 🎶🎶🎶

Beatrix

"What? Eto lang? Eto lang sinabi nya?!" Galit na reaction ni Sophia habang binabasa ulit nila ang last text ni Madison.

Kanina pagkatapos naming maglunch ni daddy ay nagpahatid nako derecho dito.

Ewan ko kung paano ko nakayang hindi maiyak sa kotse kasama si dad. Basta nakita ko nalang ang sarili ko na napaluhod pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto. At dito ko na binuhos lahat ng luha na kahapon ko pa iniipon.

"Eh gago pala yun eh. Tara resbakan natin." Sigaw din ni Mia.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatalikod sa kanila.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Narinig kong saway ni Emma.

Live without me and move forward...

Bawat kataga nito ay nagbibigay ng sakit sa puso ko. Walang kasing sakit.

Live without me...

Paano? Iniisip ko palang, parang hindi ko na kaya. She was my first in everything. Unang pagmamahal, unang date, yakap, halik, lahat lahat. I even see myself with her in the future. So how?

Move forward...

How can I move forward when all I ever wanted is to be with her? Please tell me.

"Trixie..." Mahinang sabi ni Emma. Hinawakan nya ang braso ko. Alam kong gusto nyang iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa.

Pero hindi sya yung kailangan ko ngayon. Iisa lang ang taong kailangan ko ngayon. Sya lang... Sya lang ang taong gusto kong makita para maibsan yung sakit dito sa puso ko.

And I need to talk to her.

Bigla akong tumayo na ikinagulat nila. Oo na, I looked like a mess. Pero kailangan kong umalis.

Pupuntahan ko sya. Saan mang sulok sya ng Pilipinas, pupuntahan ko sya at kakausapin ko sya. No, kung kinakailangang magmakaawa ako na wag nya akong iwan, gagawin ko.

"S-saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong nila. Lumapit sila sakin habang pinapalitan ko ang damit ko.

"Trix, saan ka pupunta?" Ulit nila. Pero di ko pa din sila pinansin.

"Trixie! Ano ba! Pupuntahan mo yung gagong girlfriend mo? No! Di kami papayag." Kinuha nila ang damit na isusuot ko na sana.

"Ano ba! Akin na yan!" Hindi ko maiwasang hindi mapasigaw. Ang kulit-kulit kasi nila.

Hindi ba nila ako naiintindihan? Kailangan ko syang makita!

Pilit kong kinukuha sa kanila ang damit ko pero iniiwas nila lagi. Nang kukuha na sana ako ng iba ay hinarangan naman ito ni Mia.

"Nababaliw ka na ba? Pagkatapos ka nyang iwanan at sa text pa talaga ha, ay pupuntahan mo pa din sya? Atleast man lang diba hinarap ka nya?" Sigaw ni Sophia. Parang nawalan ako ng lakas sa ipinapamukha nya sakin.

Iniwan nya na ba talaga ako?

"Fi! Wag ka ngang sumigaw." Saway ni Emma. Kinuha nya ang damit ko sa kanila at binigay sakin.

Napatingin ako kay Emma. Bakas sa mukha nya na nasasaktan din sya.

"Magdamit ka na. Kung saan ka man pupunta, sasamahan kita."

"What?! Talaga bang gusto mo pa syang saktan? Eh klarong klaro na sa text ng ugok na yun na AYAW. NA. NYA. KAY. TRIX." Reklamo ni Sophia.

Natahimik ako sa sinabi nya. Ayaw na nya sakin?

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon