Beatrix
Nasa parking lot na kami ng university. Kanina pa ako di mapakali kahit nung nagbabyahe pa kami.
"Ayaw mo pa bang pumasok?" Nakangiti nyang tanong. "You can stay in my place." Offer naman nya sa'kin.
Kinuha nya bigla ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.
Napangiti naman ako sa gesture nya.
"Mamimiss kita." Mahina nyang sabi.
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Eh nandito lang naman ako eh."
"And I'm always here for you, too Beatrix." Sabi nya habang hawak-hawak pa din ang kamay ko.
"Thank you, bayawak."
Napangiti naman sya sa sinabi ko. Nanggigil naman ako sa kanya kaya di ko napigilang kurutin yung pisngi nya.
"Ang cute cute mo talaga."
"Well." Kibit balikat naman nyang sabi.
"Naks naman! Bilib masyado sa sarili eh noh?"
"Syempre!" Lumapit sya sakin at niyakap ako.
Pagkalabas namin ng kotse ay may napapatingin agad sa'min. Naramdaman ko naman agad yung hawak ni Madison sa kamay ko nang magkatabi na kaming naglalakad.
"Whatever happens, don't blame yourself for what happened between you and Emma. Beatrix, you are loveable. Ang dali-dali nga sakin mapamahal sa'yo kasi may ganun kang epekto sa mga tao.
Hindi mo yan sinasadya, kaya wala kang kasalanan. Hindi naman pwede na lahat pagbigyan mo ng puso mo dba? Akin lang yan."
"Problems don't last. Everything will be alright."
Halos maiyak ako sa sinabi nya.
She really knows the right things to say.
Hinatid nya ako sa labas ng kwarto. Niyakap nya lang ako at hinalikan ang noo ko bago sya nagpaalam.
Naramdaman ko na naman yung kaba ko nang mapag-isa ako dito sa labas. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin ni Emma.
Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang door knob. Dahan-dahan ko itong binuksan.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o anong gagawin ko kapag nagkita kami ni Emma.
But no more running. Kailangan naming mag-usap to save our friendship.
Pagtapak ko sa kwarto ko ay tiningnan ko agad ang kama nya, wala naman sya duon.
Pinakiramdaman ko yung cr, baka kasi nandun sya pero wala naman akong naririnig. Tiningnan ko sa loob at wala nga sya.
Nadisappoint naman ako kasi akala ko makakapag-usap na kami ng maayos ngayon. Ayoko na din kasing patagalin 'to.
Sooner or later, malalaman nya din yung tungkol sa'min ni Madison. At gusto kong marinig nya galing sa'kin kaysa sa ibang tao.
Naisip kong maligo nalang at mag-ayos. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sakto namang tumatawag si mommy kaya sinagot ko ito agad.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng narinig kong may pumihit sa door knob. Napatingin ako dito at nakita ko ang gulat na mukha ni Emma. Hindi nya ata inaasahan na andito na ako.
Akmang aalis sya kaya tumayo ako at tinawag sya agad.
"Emma!" Natigilan naman sya at tumingin sakin. "Wait lang."
Dali-dali akong nagpaalam kila mommy at hinarap ang bestfriend ko. Naghihintay lang sya sa pintuan habang nakatingin sa baba.
Hay, ayokong nakikita na ganito sya. Emma is a very jolly person.
"Ems, can we talk?"
Hindi sya umimik pero inangat nya ang mukha nya at tiningnan ako.
Walang nagsalita samin. Parehong nakikiramdam sa isa't isa.
Mga ilang segundo lang kami nagtitigan ng sinara na nya ang pintuan at naglakad palapit sakin. Huli na ng marealize ko na niyakap nya ako. Bigla namang tumulo ang luha ko.
"E-ems.."
"Shhh. Payakap lang." Garalgal ang boses nya kaya't alam kong umiiyak din sya.
God, paano ba kami naging ganito? I can't lose her. Not Emma, not my bestfriend.
Hinayaan ko lang syang yakapin ako at niyakap ko din sya pabalik. Oo mahal ko sya, pero hanggang kaibigan lang.
Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakayap nya sakin. Tiningnan nya ako at pinahid ang luha ko.
"I'm sorry."
Nagulat ako sa sinabi nya. That's the least thing na naisip kong sasabihin nya sakin. Akala ko galit sya.
Umiling ako. "Ako dapat ang magsorry Ems."
Ngumiti sya sakin pero hindi iyon umabot sa mga mata nya. Pinahid nya ang kanyang luha bago nagsalita.
"Please don't be sorry for me. Don't be sorry na hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko. Kasi mas masakit eh. Pero tanggap ko na. Sorry sa naging reaction ko kagabi Trixie."
"Ems, you don't have to say sorry. Wala ka namang kasalanan eh."
"No. May kasalanan ako kasi pinilit ko ang sarili ko sayo. Mahal kita Trixie. Sobra sobra pero narealize ko na hindi naman dahil sa mahal kita ay dapat mo din itong suklian. Kasi yung I love you, hindi naman yun tanong na kailangan ng sagot." Sabi nya habang umiiyak na nakangiti.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata nya. Masakit kapag nakikita mong nasasaktan yung taong importante sa'yo. Pero wala naman akong magagawa, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya. Not the way she want it.
May mahal na akong iba. At kahit na anong gawin ko, sa kanya lang tumitibok ng ganito ang puso ko.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko para lang mabawasan yang sakit na nararamdaman mo. Pero gusto kong magpasalamat sa pagmamahal na binigay mo sa'kin.
Hindi ko man kayang tumbasan, pero Ems, mamahalin kita sa paraang kaya ko. At yun ang maging kaibigan mo habang buhay. Sa paraang yan, alam kong may forever."
Natawa naman sya sa huling sinabi ko. Pinahid nya ang luha nya at nginitan ako. "Atleast may forever."
And we both laughed. Umupo kaming dalawa sa kama ko at nag-usap. Mas naging open na sya sakin ngayon.
Akala ko talaga galit sila sakin pero naiintindihan naman nila ako. Hindi mo nga naman mapipilit ang pag-ibig. Nakakataba nga ng puso na may taong magmamahal sayo na walang hinihinging kapalit.
"So, si Madison." Sabi nya out of nowhere. Hindi patanong pero parang gusto nyang sabihin na magshare ako.
Natigilan naman ako. Looks like she've heard about it already.
Natawa naman sya. "I already knew about it, Trixie. Usap usapan na din sya matagal na, pero pinagsasawalang bahala ko lang. Atleast I tried."
"Ems..."
"Don't worry about me. Ang importante sakin, masaya ka. She makes you happy, right?"
Tumango naman ako.
"Then I'm already happy, too. Wag na wag ka lang talaga nyang sasaktan, ako ang makakalaban nya."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. She's still the same Emma I know, napaka overprotective.
"Alright!" Tumayo naman sya bigla. "Gusto ko syang makausap."
"Ha??" Di ko inaasahan yun.
"I want to talk to her. Don't worry, hindi ko sya aawayin. Pagbabalaan ko lang sya na oras na saktan ka nya, I'll make sure she'll regret it."
Tumango nalang ako. Wala din namang makakapigil sa kanya eh. Mukhang desidido talaga sya.
Nagkulitan nalang kaming dalawa. Although may konting changes, but at the end of the day, masaya pa din ako sa kinalabasan ng lahat. Tama nga si Madison, everything will be alright.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Storie d'amore"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight