33. Miscommunication

16.8K 352 67
                                    

Madison

"Oh, M, anong problema? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa ah."

Tinapik ako ni Nicky sa balikat at umupo sa tabi ko. Kasama nya si Sky habang si Dan naman ay prenteng nakaupo sa kabilang sofa. Nasa condo kami ngayon.

"Galit si Beatrix sakin ngayon." Sabi ko sabay inom.

Buti nalang laging puno ng alak yung ref namin dito.

"Anong nangyari ba kasi sayo kagabi, bigla ka nalang nawala." Napapailing na sabi ni Sky.

"Yun nga ang ipinagtataka ko, wala naman akong balak magpakalasing pero sobrang nalasing ako bigla. Pagkagising ko, nasa isang hotel na ako."

Isang misteryo talaga sakin kung anong nangyari kagabi. Last time I checked, nasa bar pa kami at habang sumasayaw yung tatlo sa dancefloor ay may isang pamilyar na babaeng lumapit sakin at nag offer ng drinks. Ayoko sana tanggapin kaso mapilit sya. Tapos nun ay wala na akong maalala. Wala namang nawala sakin."

"Hindi ka na nga namin hinanap kasi nagtext ka naman na umuwi ka na." Sabi ni Sky.

Napakunot ang noo ko. Tiningnan ko ang phone ko at wala naman akong tinext sa kanila. "Wala naman ah. Hindi ko matandaan na nagtext ako sa inyo."

Kinuha nya ang phone nya at pinakita sakin ang text ko. Oo nga, pero wala talaga akong natatandaan na nakapag text pa ako sa kanila.

At paanong deleted yung convo na yun sa phone ko?

"Dude, nga pala tumawag si Bea sakin kaninang umaga. Tinatanong nya kung nasan ka." Sabi ni Dan.

Napakunot ang noo ko.

"Oh. Alam ko yang iniisip mo. Wag kang selosa dyan. Hindi ko din alam kung san nya nakuha ang number ko, but sobrang nag-aaalala sya sayo."

Napabuntong hininga ako. "Anong sabi mo?"

"Sabi ko hindi ka natulog sa condo." Simpleng sagot nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Langya ka. Kaya pala galit na galit yun sakin."

"Alangan namang magsinungaling ako? That's bad dude." Natatawang sabi nya at napapailing naman ang iba.

"Ewan ko sa'yo. Bad mong mukha mo." Tumayo na ako.

"Oh? Saan ka pupunta M?" Takang tanong nila.

"May susuyuin lang." Sabi ko bago umalis.

Pinaharurot ko ang kotse ko pauwi sa dorm.

Aissh! Kaya pala galit na galit ang babe ko sakin. Alam nyang hindi ako natulog sa condo o sa dorm.

Pumunta muna ako sa isang flowershop bago umuwi. Tas bumili na din ng mga paborito nyang pagkain. Alam kong busy sa pag-aaral yun ngayon. Para hindi naman sya magutom.

Pagkapark ko ay dali-dali akong lumabas dala-dala ang flowers at pagkain.

Nasa reception area na ako ng may tumawag sakin.

"Pres!"

Napatigil ako tumingin sa tumawag sakin. "Yeah?" Tanong ko.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon