Beatrix
Kanina pa ako hindi mapakali. Ayoko lang ipakita kay Madison na kinakabahan ako.
Paano kung hindi ako magustuhan ng mommy nya? Paano kung mangyari din yung nangyari noon ng mameet ko grandparents nya?
Napatingin naman ako kay Madison at tahimik lang din ito.
Papasok na kami sa isang subdivision. Hindi katulad ng ibang subdivisions, ang sisimple ng mga bahay dito. Hindi masyadong extravagant, but magaganda pa din.
Inayos ko naman yung cake na nasa lap ko. Sabi nya kasi favorite ng mom nya yung carrot cake kaya naghanap talaga kami ng pinakamasarap na carrot cake dito.
Bumisina sya sa tapat ng isang gate. Malaki ito at hindi mo makikita kung ano ang nasa loob. Pinagbuksan naman kami ng isang babae.
Biglang kumabog naman ng pagkalakas-lakas yung dibdib ko. Andito na kami.
Hinawakan ni Madison ang kamay ko. "Wag kang mag-alala, magugustuhan ka nya." Sabi nya sabay ngiti. Pero hindi yon umabot sa mata.
Gusto ko sanang tanungin kung anong problema, pero saka nalang. Kasi mismo ako, hindi mapakali.
Nagpark na sya at as usual, sya ang naunang lumabas tas pinagbuksan ako ng pinto.
Hawak-kamay kaming naglakad papunta sa bahay nila.
It wasn't a big house, infact one storey house lang ito, but sobrang homey tingnan.Simple but elegant, yun yung masasabi ko sa bahay nila.
"You like it?" Tanong nya while naglalakad kami.
Tumango ako at napangiti. "No. I love it! Sino ang nagdesign?"
Ngumiti lang sya sakin. "My mom's not into big houses. She prefer small but homey." Sabi nya.
Tumango-tango naman ako. Ako din naman kasi, mas gusto ko yung ganyan lang na kalaki na bahay.
Hinila na ako ni Madison papasok ng bahay. Bumungad samin ang isang may edad na babae.
"Ay Mading, andito na pala kayo. Akala ko lunch time pa kayo darating." Ngiti ng babae at yumakap sa kay Madison.
Ang cute talaga ng palayaw nya.
"Hi nanay. Oo nga eh, naexcite kasi ako makauwi dito. Ah sya nga pala nay, si Beatrix, magandang girlfriend ko. Beatrix, si Nanay Cora, ang pinaka-mabait at maalaga, tas napakagandang nanay in the world!" Si Madison.
Natawa naman ako sa kakulitan ni bayawak. "Hello po." Bati ko naman sa ina ni Madison. Ang simple lang nito pero ang ganda. Tsaka ang bait. Napakawarm ng smile nya sa'kin.
"Ke gandang babae Mading! Marunong ka talagang pumili!"
Ngumiti ako sa kanya at nagmano bago inabot ang dala ko. "Para po sa inyo, sinabi kasi ni Madison na favorite nyo po yung carrot cake."
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romansa"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight