42. Jinan

17.5K 398 91
                                    

Madison

Pagod akong umuwi ng condo. Pansamantalang dito ako tumutuloy para gawin ang mga dapat kong gawin.

Pinikit ko muna ang mata ko para makapagpahinga man lang kahit konti.

"How's Bea?"

Napadilat ako ng tumabi sakin sa Dan sa couch. Sya ang tumawag sakin nung Friday na nakita nya si Beatrix sa isang bar na lasing na lasing.

Iniwan ko lahat ng ginagawa ko at nagmadaling pumunta sa bar na yun. Hindi ko alam kung sino ang kasama nya pero kahit na sina Emma pa yun, hindi pa din ako makakampante hangga't sa ako yung kasama nya.

At yun na nga ang nabungaran ko. Hindi ko alam kung bakit kasama nya ang grupo nina Ashley. Halos gusto ko na ding magwala ng makita na may kasama syang iba.

"Naiuwi ko na sya sa dorm kanina." Simpleng sagot ko at tumayo na.

"Bakit daw ba naglalasing sya nun?" Tanong nya ulit.

"Nakita nya daw akong may kahalikan na ibang babae." Sagot ko ulit habang naglalakad papunta sa guest room.

"What? Anong sinabi mo?"

"Wala akong sinabi." Binuksan ko na ang guest room at nakita ko agad yung naiwan ko noong Friday. "Isa pa, yung video na sinasabi nya ay matagal ng nangyari. Hindi pa sya dumating sa buhay ko."

"Oh? Okay. So what are your plans?" Umupo sya sa kama ko habang ako ay umupo na sa study table.

"Yun pa din." Sagot ko.

Natahimik naman sya ng nag-umpisa na akong gawin yung design na ginagawa ko.

"Dude." Tawag nya sakin. Di ako sumagot but I hummed.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Hindi mo responsibilidad ang buhay ng anak nila."

Natigilan ako sa sinabi nya at napapikit. "Alam ko. Pero gustong makatulong. After all, they were Jinan's family."

Naramdaman ko nalang ang patapik nya sa balikat ko at pagsara ng pinto.

I can still remember it clearly...

When the clock hits 9, I started the engine and then made my way to Jinan.

Kahit gabi na at walang tao, maliwanag pa din dahil sa mga poste. Pagkarating ko ay lumabas na ako agad sa kotse dala-dala ang mga bulaklak.

Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay di ko naman maiwasang makaramdam ng kalungkutan.

"Jinan."

Nakita ko na ang puntod nya. Ang daming mga bulaklak at balloons na nakapalibot sa kanya ngayon. May mga nakasindi din na mga kandila.

Umupo ako sa grass malapit sa kanya at nilagay ko sa gilid ang dala kong bulaklak. Nagsindi din ako ng kandila at nagdasal.

"Happy birthday, Jinan."

Nangingilid ang mga luha ko habang nakatingin sa picture nya.

She was so beautiful. Puno ng kasiyahan sa mga mata nya habang nakangiti doon.

"Ang dami mo na namang flowers, Jinan. Kung buhay ka pa siguro, pinagtatadyakan ko na ang mga ito lalo na yung mga galing sa manliligaw mo." Nakangiti kong sabi habang inaalala kung paano ko tinatapon yung mga flowers galing sa suitors nya noon.

Pinahid ko ang tumulo na luha saking mata. "Pasensya ka na, malapit kong nakalimutan yung birthday mo. Hindi na mauulit Jinan."

Kung may makakakita sakin ngayon, aakalain nilang baliw na ako. Iiyak tas tatawa.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon