Beatrix
Have you ever been in a situation where you thought everything was alright, but then its the other way around?
Its been 4 days since her mom was admitted to the hospital. School, hospital, dorm. Yan ang naging daily activity ko. Lagi kong pinaparamdam sa kanya na lagi lang ako andito para sa kanya. She needs me right now.
Hinawakan kong mabuti yung dala kong bag na ang laman ay pagkain bago kumatok at binuksan ang pinto.
Napangiti ako ng makita yung maamo nyang mukha na natutulog. Nangingitim na yung ilalim ng mata nya dahil halos di na sya natutulog sa pagbabantay. Maselan din kasi yung lagay ni Tita.
Hinayaan ko nalang muna sya at nilagay sa table yung dala ko. Lumapit ako kay tita at inayos yung kumot nya. Umupo na din ako sa tabi nya. Nakatitig lang ako sa kanya na mahimbing na natutulog.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na din pala ako. Nagising lang ako ng may mainit na palad na dumampi sa pisngi ko.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko agad ang mukha ng mahal ko.
"Ba-bayawak?"
Kinusot ko ang mata ko at umayos ng upo. "Nagugutom ka na ba?" Tanong ko.
Umiling lang sya tsaka ngumiti pero hindi ito umabot sa mata nya. "Napuyat ka ba?" Malambing ang boses nya.
"Hindi ah!" Deny ko. Ang totoo nyan, napuyat talaga ako sa kakagawa ng projects. Wala na kasi akong time gumawa pagkatapos ng klase kasi andito ako at sinasamahan sya. Halos wala din akong tulog pero di ko sasabihin sa kanya kasi baka kasi pauwiin na naman nya ako ng maaga.
"Kanina mo pa ako tinititigan?" Dugtong ko. Naconscious tuloy ako, baka nakanganga akong natulog.
"Kanina pa." Sagot nya. Bumaling ang tingin nya sa mommy nya. "Tara kain na tayo."
Sumang-ayon naman ako agad kasi ngayon lang sya nag-ayang kumain simula nung nangyari kay tita.
Kukunin ko na sana ang mga dala kong food pero kinuha nya ito sakin.
"Let me. Lagi mo nalang ako pinagsisilbihan." Nakangiti nyang sabi sakin. Nagpacute pa ang loka.
Tatangkain ko sanang kunin yun pero nilayo nya ito sakin. "Oops! Ako na sabi eh. Upo ka muna dyan mahal kong prinsesa." Sabay akay sakin paupo.
"Ang cute mo talagang mag-blush!" Nakangisi nyang sabi.
Tinakpan ko naman ang mukha ko. Ugh! Bakit ba kasi lagi akong nagbablush sa bayawak na'to!?
"Dyan ka muna babe. Prepare ko muna to." Sabi nya tas kumindat.
Hinanda na nya ang mesa habang ako nakaupo sa sofa na pinagtulugan nya kanina at nakatitig sa kanya.
Hindi ko maiwasang maisip yung mga nangyari sa loob ng apat na araw.
Hindi nya alam na nakita ko sila ng father nya sa labas ng hospital. Hindi ko pa man nakikita ang papa nya, pero alam ko kung pagbabatayan yung galit sa mukha nya habang nag-uusap sila. Halatang nag-aaway sila kaya hinintay ko nalang sya sa sa entrance.
Simula nun ay naging bugnutin sya. She was so distant and cold after the incident with his father. She barely respond to my questions.
She didn't look at me for 4 days. Sobrang naguguluhan ako sa mga ginagawa nya. Pwede naman nya akong kausapin kung anong problema nya.
But no, she avoided me. And I was so confused and heartbroken.
"Babe?"
Napadilat ako sa malambing na pagtawag nya sa endearment namin. Hindi ko nga napansin na nakapikit na pala ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight