18. Sundate

26.9K 581 27
                                    

Beatrix

When you're being pulled to do something you feel inspired, time flies by and you don't even notice because you're having fun. Things feel easy peasy.

Nasa kalagitnaan na ako ng paggawa ng design for Architectural Design na subject.

Napainat naman ako nang matapos ko yung floor plan. Napatingin ako sa clock, 4:18pm. Simula umaga ay ginagawa ko na'to. Hindi ko napansin yung oras.

Napasandal naman ako sa chair para makapagpahinga konti.

Sakto namang may kumatok sa pinto. Bukas pa ang balik ni Emma at for sure hindi naman yun kakatok dahil may susi sya ng room namin.

Tumayo nako para pagbuksan ito, expecting na baka sila Mia lang ito— but to my surprise, it was better than I expected.

"Hi." Nakangiti nyang bati.

Shit na malagkit, ayan na naman yung ngiti nyang yan.

"M-may kailangan ka?"

Hindi ako prepared. I was wearing my weird clothes na pambahay, my hair's in a bun na ginamitan ko lang ng lapis, and suot ko ngayon yung reading glass ko.

"Just paying you a visit. May I come in?" Tanong nito, ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa.

Ang dungis ko tingnan ngayon, pero mas nakakahiya naman na paghintayin ko sya sa labas para ayosin sarili ko.

Binuksan ko ng malaki yung pinto para papasokin sya.

Pansin ko naman yung tingin nya sa nakakalat sa table ko.

"Ahh, kaya pala hindi ka nagrereply." Komento nya habang tinitingnan yung gawa ko.

Napatakbo naman ako duon at ni-block yung katawan ko para hindi nya makita.

Nagulat naman ito, lalo na nakaharap ako sa kanya at sobrang lapit namin sa isa't isa.

"A-ano, wag mong tingnan." I said, holding my breath.

Ayoko kasing makita nya ito, hindi pa kasi tapos.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi nya. "Bakit? Nahihiya ka ba sa'kin? You know I can help you."

Napakagat naman ako sa labi ko.

Her gaze came down, as a gentle smile spread along those pink lips of her.

She leaned forward, her hands touching the edge of my table while me in the middle.

"If I'm not allowed to see it," she muttered, "Am I allowed to stare at you?"

Dear Lord, are you trying to kill me?

Lumapit pa ito ng mas konti. "Maybe this close, perhaps?"

Hindi nako nakagalaw sa posisyon ko, wala na din kasi akong gagalawan kasi kung lalayo pa ako, mapapahiga na ako sa table. And the thought of me lying down on the table while she's near me, wasn't pleasing at all.

Her hand began to trace across my back, papunta sa buhok ko.

Unti-unti kong naramdaman ang pagtanggal nya ng lapis sa buhok ko hanggang pagbagsak nito sa shoulders ko. Napatingin naman ako sa tenga nya dahil inipit nya duon yung lapis.

Next naman nyang ginawa ay tanggalin ang eyeglasses ko at inipit nya sa damit nya.

If she kept on staring at me like that, I would've choke on air.

"You're quite a sight to behold." Her lips curve into a smirk, leaning forward to press a kiss on my cheek.

I blushed at the gesture. Madison is being way too affectionate these days and I wouldn't even dare to complain.

She gently cupped my cheeks and whispered, "If you're no longer busy, can I now take you on a date?"

Unti unting sumilay naman ang ngiti ko sa labi at dahan-dahang tumango. "I thought you wouldn't ask."

Lumayo naman ito sa'kin at ngumiti din.

"Alright, I'll wait outside."

Ngayon ko lang napansin yung suot nya. She's wearing a buttondown polo and trousers, na pinaresan ng loafer flat mules.

Ang gandang pogi naman ng babaeng 'to.

Mabilis naman akong nag-ayos. Binagay ko nalang din yung suot ko sa suot nya. Nakakahiya naman kung magmukha akong gusgosin sa tabi nya.

I wore a silk white button down tucked into a fitted black skirt. I grabbed my clutch bag from the table, slipping my phone into it.

Pagkalabas ko ng room ay napatayo naman ng maayos si Madison.

"Wow. You're truly stunning, Beatrix." She said with a gentle smile.

"Thank you. You looked gorgeous, too. So uhh, shall we get going?" I really didn't know how to respond to the compliment.

Sabay na kaming bumaba habang pansin ko naman na pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante.

"Don't mind them." Nag-init naman yung tenga ko nang hinawakan nya ang bewang ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang nasa kotse na kami.

Tiningnan nya ako saglit at ngumiti. "You'll see."

Hindi na ulit ako nagtanong kasi alam ko namang hindi talaga sya sasagot sa tanong ko na yan.

Inenjoy ko nalang yung moment na kasama ko sya ngayon.

"We're here." She said as she stopped the car.

Di ko maiwasang mapangiti. Nasa labas kami ng simbahan.

This is the last place I thought we'd end up in. She never fails to surprise me.

Inalalayan nya akong makalabas sa kotse at sabay na kaming pumasok sa simbahan. Saktong sakto kasi kakasimula lang ng misa.

Pagkatapos ng misa ay hinayaan muna naming makalabas ang karamihan bago kami lumabas. Napatingin ako sa kanya kasi sobrang tahimik nya. Nakatingin lang sya sa harapan at parang may malalim na iniisip.

Maya maya ay naramdaman ko namang hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

She's wearing a soft expression that can make my heart feel at ease even amid inner turmoil.

Even if it's scary, even if I'll get hurt eventually, even if it's my first time. She's still worth the risk.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon