23. Worth It

25.6K 559 24
                                    

Beatrix

My friends and I are currently in a coffee shop. Nag-aya si Sophia na itry daw namin yung bagong bukas na shop malapit sa university.

Sinama ko na din si Luis since nakilala na din naman nila ito. Natatawa lang ako kasi harap harapan yung pangfi-flirt ni Sophia sa kanya habang iritang irita naman yung isa.

Bumaling naman ang tingin ko kay Emma na tahimik lang na nakatingin sa drink nya.

"Ems?"

Di nya ako pinansin kaya hinawakan ko sya sa braso nya. Parang natauhan naman sya kaya napatingin ito agad sa'kin.

"Trixie? May problema ka? May gusto ka bang kainin or inumin? Ano bibilhan kita?" Sunod-sunod na tanong nya. Napatingin naman ang tatlo samin.

"Chill ka lang monks. Tinatawag ka lang ni Trix." Saway ni Mia.

"Ah ganun ba? Why?"

Nginitian ko naman sya. "Wala. Just wanted to ask if you're okay. Tahimik ka kasi eh."

"Sus, iniisip ka lang nyan Trix." Sabi ni Sophia na binatukan naman ni Mia.

"Tumahimik ka nga." Si Mia.

Natawa naman si Luis sa ginawa ni Mia.

"Aray ha. Grabe ka Mia, bakit ka nambabatok? At sige tumawa ka pa Luis. Halikan kita dyan eh!!" Reklamo naman ni Fi.

Bigla namang lumapit si Luis sakin at bumulong, "Bruh, konti nalang masasabunutan ko na talaga tong babaeng ito. Nilalandi ako eh parehas lang naman kaming babae. Ew ha!"

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Tumigil ka nga dyan. Kung gusto mo magladlad ka na."

"Oy ano yan ha? Trix may Madison ka na. Ipaubaya mo na si Luis sa'kin." Maktol ni Sophia.

Natawa naman ako ng mapakapit si Luis sa braso ko. "Sus sayong sayo na yan Fi!" Tinulak ko si Luis papunta sa kanya at nasalo naman sya ni Sophia.

Tawang-tawa namin kami sa kanilang dalawa. Para kasi silang aso't pusa kung magbangayan.

Madami pa kaming napagkwentuhan nang may natanggap akong text. Nasa table lang kasi ang phone ko.

At syempre dahil sa sobrang kukulit ng mga kasama ko, mas nauna pa nilang nabasa ito kaysa sakin.

"Trix, nagtext si Madison mo." Sabi ni Sophia na hawak-hawak ang phone ko at nakikibasa na din sina Mia at Luis.

"Oo nga. Sabi nya text ka lang daw kapag susunduin ka nya. Wow! May instant driver ka na, bruh." Dugtong ni Luis.

"Hala ang sweet namanz" Kinikilig na sabi ni Sophia.

Napapailing nalang talaga ako sa kanila. Ang kulit kulit eh.

Kinuha ko naman yung phone ko sa kanila at chineck yung message ni Madison. Napangiti naman ako at nagreply.

"Girl, kinikilig ka. Mahal mo na talaga sya ano?" Nakangiting sabi ni Sophia.

Natahimik naman ako sa tanong niya, hindi dahil nagdadalawang isip ako, pero dahil ayoko namang maging insensitive sa nararamdaman ni Emma. Alam ko naman kung bakit sya tahimik.

At isa pa, hindi ko pa nasasabi kay Madison yung mga katagang yun. Kung may tao mang dapat makaalam ng nararamdaman ko, it should be her.

"Cr lang ako." Bago pa ako nakasagot ay nagsalita na si Emma.

Napatingin ako kanya na tumayo bigla at hindi na hinintay ang sasabihin namin.

Nagkatinginan naman kaming apat.

"Wait, sundan ko lang sya." Biglang sabi ni Mia at tumayo. Bago sya umalis ay tumingin muna sya kay Sophia. "Mag-uusap tayo mamaya."

"Fi..." Tiningnan ko sya ng seryuso.

"I just want to be sure Trix. Friend ka namin, ayaw naming padalos-dalos ka. I mean, di mo pa sya lubos na kilala. Kakakilala nyo pa lang eh." Depensa nya.

Nag-excuse na din muna si Luis. Kailangan naming mag-usap ng friends ko. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap ng ganito eversince nalaman nila.

"Look Trix, don't get me wrong. We just want the best for you. Susuportahan ka naman namin pero that doesnt mean hindi ka na namin pagsasabihan. You barely know her." Explain nya ulit.

I appreciate Sophia's concern and somehow, everything she said made sense. I've known Madison for 3 months, but it felt like I've known her all my life.

Time doesn't really measure love. A person you know for a month can have better intentions for you than someone you've known for years.

I took a deep breath and softly said, "Have you ever met someone— even if it was a few encounters or short period of time— and knew instantly that they're going to have a big impact on your life? With just one look and you're hypnotized.

When you look at her smile, it could make your day a hundred percent better. Her presence, just her mere presence could make you feel at ease. Because that's what I feel for her. God, she doesn't have to say anything. It's kind of overwhelming sometimes. I also have some fears, but for her, I'm willing to take the risks."

Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. "Thank you for sharing this to me, Trix. Alam mo bang first time kong makakita ng isang tao na nagkwekwento sa mahal niya na yung ngiti sa labi ay abot hanggang mata. Your eyes sparkle beautifully the whole time you talked about her. It was heart melting and how I wish I could find someone who can make me feel those things. Saan ba ako makakakita ng katulad nya? Baka may kapatid pa sya, ipakilala mo naman sa'kin oh."

Sabay kaming natawa sa sinabi nya. Minsan, may pagkabaliw din talaga 'to ngsi Sophia.

Being inlove feels amazing, it feels magical. Nagiging masaya ka sa simpleng bagay na ginagawa nya para sayo. Pero kaakibat nito ay ang sakit. Kasi kapag minahal mo yung isang tao, parang binigyan mo na din sya ng karapatan na saktan ka. Ganun naman talaga, walang nagmamahal na hindi nasasaktan.

But if it's worth the pain, it's worth the love.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon