17. Goto Date

29.1K 662 68
                                    

Beatrix

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang sya sakin habang nakasandal sa sink at naka crossed arms.

I tried to calm down and act like normal, kahit yung totoo ay naghuhuramentado na naman yung puso ko sa kaba.

"I don't know what you're talking about."

Lumapit ako sa kabilang sink at naghugas ng kamay. I could still feel the weight of her stare.

"Why are you with Caroline?"

Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. May masama ba na sumama ako sa kanya? And do I really have to explain myself to her?

No.

Di ko naman sya kinu-question kung bakit din sila magkasama ni Felicity ngayon ah.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang ng hinawakan nya ang braso ko at pinigilan ako.

"Beatrix."

Nakatitig lang sya sa'kin— bakas sa mukha nya yung inis at frustration.

"Yes Madison? What do you want?"

Hindi naman sya agad nakasagot sa tanong ko. I'm just too damn fed up with her games.

Gusto nya ba ako o naglalaro lang sya? Because I'm not up for some games, especially with her.

Dahil ako, I know what I want.

"Just answer me Beatrix, why are you with Caroline? Are you dating her after what happened—"

Napakunot noo naman ako sa tinuran nya. "Madison, you have to make up your mind. Hindi ako yung may problema dito, it's you."

Parang natauhan naman sya sa sinabi ko at niluwagan ang pagkakahawak nya sa'kin hanggang sa binitawan na nya ako at napahilamos sa mukha nya.

She looked so frustrated. Ba't kasi di nalang nya ako tantanan kung ayaw naman nya talaga sa'kin? Unless she's jealous, pero bakit?

Pati tuloy ako na-fufrustrate na.

"Are you jealous?" I asked.

Hindi naman sya sumagot, pero may nakita akong reaction na nakakapag-confirm sa naisip ko.

I sighed. Lumapit ako sa kanya at minasahe ang nakakunot nyang noo.

"Caroline is my friend and friends go out for dinners— just like you and Felicity. And yes, we kissed, but we're not exclusive Madison. If you want to be, then you better do something about it. Hindi ako ang komplikado dito."

Hindi ko nga alam san ko hinuhugot yung tapang ko na sabihin lahat sa kanya yun.

Biglang nagbago naman ang reaction ng kanyang mukha— it's as if someone suddenly turned on the light and she could finally see the right direction.

Umayos sya ng tayo hinawakan ang kamay ko palabas ng cr.

"Wait, Madison. Where are we going?"

Palabas kasi ng restaurant yung direksyon na tinatahak namin.

Pinigilan ko sya at kunot noong napatingin ulit ito sa'kin.

"I won't let you kidnap me again. We have our friends waiting for us. Hindi pwedeng iwanan nalang natin sila dito, katulad ng ginawa natin kay David."

Hinila na naman nya ako, but this time, pabalik sa table namin kanina.

Malayo pa lang ay bakas na yung pagtataka ng dalawa naming kasama kung bakit magkahawak kami ng kamay ni Madison.

"What's happening here?" Bungad agad na tanong ni Felicity.

"We're going." Parang wala lang na sabi ni Madison.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon