Madison
"Bayawak? Bakit ang dilim ng bahay? Wala pa ba yung iba?" Tanong agad ni Beatrix pagka-park ko.
Nginitian ko lang sya bago lumabas para pagbuksan ang mahal kong prinsesa.
"Oy, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Minsan ang kulit lang talaga ng babe ko. Hindi makapaghintay eh. Parang ako lang.
Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming naglakad papunta sa bahay. Pero tumigil sya.
"Ako ba hindi mo sasagutin o baka gusto mong matuktukan?"
Ayan, galit na sya. Napakamot nalang tuloy ako sa batok ko. Wala eh, under.
Understanding!
"Eh babe, hindi ko alam kung nasan sila. Tara na." Sabi ko. Tinitigan nya lang ako ng mabuti bago tumango.
Pagkarating namin sa pintuan ay pipihitin na nya sana ito ng pinigilan ko sya. "Wait lang babe."
Kinuha ko ang panyo ko sa likod ng bulsa ko sa jeans at pipiringan sya.
"Ano na naman ba ito Madison?"
Ang sweet talaga nya eh noh?
"Just trust me." Sabi ko para wala na syang tanong.
"Ayoko! Saan moko dadalhin?"
Haaaay, ang kulit! Sabing trust me eh.
"Sundin mo nalang ang sinabi ko babe!" Medyo frustrated kong sabi.
"Ah sinisigawan mo na ako?!" Sigaw nya din sakin.
Juiceko! Nakapiring na nga sya, talo pa din ako.
"Hindi babe. Sorry sorry. Hindi ko sinasadyang magtaas ng boses. Basta babe ko, please, kahit ngayon lang, sundin mo ako." Pagmamakaawa ko at tumango naman ito.
Pagkabukas ko sa pinto ay sya ding pagtunog ng music. Nakita ko agad sina Emma at Mia na nakaassign sa music.
Tahimik lang ang babe ko, nakikiramdam. Hawak-hawak ko sya kasi baka matisod, matuktukan pa ako.
Pagkarating namin sa sala ay nakita ko sina Nicky at Sophia. Sila ang naatasan ko sa food and sa set-up sa terrace. Habang sina Dan at Sky ay wala. Ewan ko ba kung anong silbi ng dalawang to.
Lumabas kami ng terrace kung saan overlooking ang Taal. Napathumbs up naman ako sa kanila. Ang ganda ng set up! Napaka-romantic.
Hindi naman pala sayang ang bayad ko sa kanila.
Sinenyasan ko na sila na umalis na. Ayoko ng istorbo. Sumunod naman silang lahat agad.
"Babe, magsalita ka naman." Sabi ko. Ang tahimik nya pa din. Siguro nagtatampo pa sya sakin dahil kanina nasigawan ko sya.
"Ayoko! Baka masigawan mo na naman ulit ako." Sabay crossed arms nya.
Lihim naman akong natatawa. Eh nagsalita pa din sya eh. Sabi ko na nga ba, nagtatampo pa din sya.
Nakatayo pa din kami dito sa terrace at nakapiring pa din sya. Niyakap ko sya dahil sa sobrang lamig. "Sorry na babe. I love you."
Napansin ko na parang napapangiti sya. "Nilalamig ako bayawak." Sabi nya.
Anubayan! Wala man lang I love you too?
Bumuntong hininga ako at kinuha yung naka ready na extra jackets. Sinuot ko ito sa kanya bago ko sinuot yung sa'kin.
"Babe, kailan mo balak tatanggalin tong piring ko?" Malambing na tanong nya.
"Wait lang babe, dyan ka lang. Wait for my signal."
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight