46. Sweetest Kiss

18.3K 381 164
                                    

Beatrix

"You're about to see her."

Hindi ko alam kung bakit parang nanlalamig ako sa pagkakasabi nya na makikita ko na sya dito.

Hindi ko din alam kung bakit sya andito habang nasa hospital ang mommy nya.

Nagpatianod nalang ako sa paghila sakin ni Dan. Hanggang sa makapasok na kami at saktong may palabas kaya nabunggo ako.

Buti nalang nahawakan ako ni Dan. "Okay ka lang?" Puno ng pag-aaalala yung mukha nya.

Tumango lang ako. This time ay medyo nakayakap na sya sakin habang papunta kami sa kung saan si Madison.

Sobrang wild na ng crowd. Nakakaasiwa man ay hinayaan ko nalang sya. Ayoko din namang mabangga ulit.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Benefit of the doubt, Beatrix. Give her the benefit of the doubt.

Pero kinakabahan ako. Alam nyo yung feeling na may kakaiba kang nararamdaman pero pilit mong winawaksi?

Benefit of the doubt.

Sa dami ng tao ay halos hindi kami makausad. Marami din kasing bumabati kay Dan kaya lagi kaming tumitigil.

"Bea..."

Bumaling ang tingin ko sa kanya. Parang may gusto syang sabihin.

Dan, please. Wag mokong titigan ng ganyan. Mas lalo akong kinakabahan.

Bumuntong hininga sya at hinila na ako. Hinila nya ako papunta sa isang VIP room.

Habang papalapit kami ay lalong lumalakas naman yung kaba ko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang nanlalamig ako.

Parang gusto kong umatras na gusto ko ding pumasok doon.

"Bea, you look pale." Nag-aaalalang sabi ni Dan ng makalapit kami sa labas ng VIP room.

Umiling lang ako. Ayokong magsalita. Baka lumabas ang puso ko dito sa kaba.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na hinintay na si Dan ang magbukas at binuksan na ito.

All eyes are on me. Halo-halo yung nakikita ko sa mga mukha nila. Pero mas nangingibabaw yung gulat at hindi inaasahan na andito ako.

Si Nicky, Sky katabi ng mga babaeng di ko kilala.

At isang pamilyar na babae na nasa pinakagitna ng U-shaped couch. Nakataas ang kilay nya sakin. Parang hindi nya nagugustuhan na na-interrupt ko yung ginagawa nila.

Nilipat ko ang tingin sa katabi nya. No, more like nakakandong sya dito. And there she is.

Nakapikit habang nakasandal sa couch. Hawak-hawak ang bewang ng babae.

Bayawak...

Sambit ko sa isip ko. Napako lang ako dito sa kinatatayuan ko.

I feel like I'm gonna puke from the amount of pain I'm in.

Paano nya nagawa to sakin?

Maaaring wala akong nakitang halikan na naganap pero hindi naman ako tanga para malaman kung anong ginagawa nila habang wala pa ako.

"B-bea?" Utal-utal na sambit ni Sky.

Hindi ko sya pinansin. Naramdaman ko ding hinawakan ako ni Dan pero wala din akong lakas para iwaksi ito. Napapikit ako. Baka kapag ipikit ko yung mga mata ko, maibsan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Alam ko ding may namumuo ng luha sa mata ko. Kaya ayokong magsalita kasi baka bigla nalang din ito lumabas.

Paano nila nagawa sakin to?

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon