31. Meet the In-laws

18.2K 361 42
                                    

Beatrix

"Whose phone is that?"

Nagsitinginan ang mga kaklase ko kung kanino yung nagriring na phone. Medyo malapit samin yung ring na yun.

"Again, kaninong phone yan?!" Striktang tanong ni Miss Perez.

Hanggang sa napatingin sakin ang lahat. Siniko ako ni Luis. "Bruh, sayo yata yung nag riring."

Napalundag ako.

Hala, oo ngaz

Dali-dali kong binuksan ang bag ko at kinuha ang phone. At hindi nga sya nagkakamali, sakin nga.

Napatingin ako sa caller at si Mommy pala.

"Miss Villapando, kung importante yung tawag na yan ay sagutin mo na sa labas. Pero kung hindi, turn that damn phone off!"

"Sorry ma'am. Excuse me po." Nagmadali akong lumabas sa classroom. Kung minamalas ka nga naman o, mapapagalitan pa ako neto.

Sinwipe ko agad ang receive button pagkalabas ko.

"Hello mom?"

"Princess? Bakit ang tagal mong sinagot yung call ko?" Ohh how I miss that voice. I miss my mom.

"Umm, nasa class po kasi ako eh."

"Ganun ba? Sorry anak. May importante lang kasi kaming sasabihin ng ama mo."

"Ano po yun?"

"Guess what!" Minsan para talagang bagets tong nanay ko.

"Mom spill it." Atat na sabi ko. Kailangan ko na din kasing bumalik sa klase.

"Alright. Papunta kami dyan ng daddy mo." Excited nyang sabi.

"Talaga po????" Na excite na din ako sa balita nya. Miss na miss ko na kasi sila.

"Yes anak. I'll text you the details. Bumalik ka na sa klase mo. Napapagalitan na ako ng daddy mo sa pangiistorbo sayo. See you later, my princessdoll!"

Nakangiti akong bumalik sa klase pero parang nagalit talaga si Miss Perez. Bago pa ako nakaupo ay tinawag nya ako.

"Miss Villapando."

"Y-yes ma'am?" Nanginginig na sabi ko. Patay ako neto. Terror pa din naman sya na prof. Ang tanga ko lang kasi nakalimutan kong i-silent ang phone ko kanina.

"See me after this class."

Tumango ako at umupo na. Nagpatuloy na din sya sa discussion.

Siniko ulit ako ni Luis sabay bulong. "Sino yung tumawag?"

"Tell you later." I mouthed. Baka kasi maaward ulit ako.

Pagkatapos ng klase ay pinauna ko ng lumabas si Luis. Dun na din sya maghihintay sakin. Hinintay kong makalabas ang lahat bago lumapit kay Miss Perez.

Nakaupo na sya sa may table nya at busy sa pag aayos ng gamit nya. Tumayo ako sa unahan nya kaya nag-angat sya ng tingin.

"Ayokong mangyari ulit yung nangyari kanina Villapando." Panimula nya. "Kung hindi mo masasilent ang phone mo, turn it off. Ayoko sa lahat ay ang nadidistract ako sa klase. Understand?"

Marahan akong tumango. "I'm really sorry, Miss."

"Sorry means I'm not doing it again. I have high expectations from you. Please don't disappoint me." Sabi nya. Medyo kumalma na syang tingnan ngayon.

"Y-yes ma'am." I tried not to stutter but I failed.

Sumandal sya sa upuan nya at nagcrossed arms. "And there's another reason why I want to talk to you. Have a sit."

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon