"I can't taste your lips or touch your face and you can't hold me in your arms and this just hurts so fucking bad."
Madison
"O, anak, ang aga mong bumalik. Akala ko may kikitain ka sabi ng Tita Jessica mo?"
"Hello to you, too, dad." I kissed him on his cheek. Nasa backyard sya at nagbabasa ng kontrata.
"Saglit lang naman ako. Ikaw, bakit ang aga mong umuwi?" Takang tanong ko at umupo sa tapat nya.
Nilagay nya sa table ang binabasa nya at tumingin sakin. "I have to come home early or else patutulogin na naman ako ng tita mo sa labas. Isa pa, I missed you, Madison."
I smiled at him. "Aw, you're making me cry, dad."
He giggled. "Pasaway ka talagang bata ka. Did you visit your favorite old man?"
Umiling ako. "No, dad. I went to see a friend."
Tinitigan nya ako. "A friend?"
Tumango ako at tumayo. "I'll just go upstairs. The jetlag is slowly taking over me." Naglakad na ako at hinalikan ulit sya sa pisngi.
"Okay, take some rest. Tatawagin ka nalang namin mamaya. And you're sister will be joining us on dinner."
Napalingon ako sa kanya. "Alam na nya?"
Ngumiti lang sya at umiling. "She'll be surprised."
Ngumiti din ako sa kanya. "Sure she will."
Umalis na ako at pumanhik sa taas. Ito ang unang pagkakataon na nakabalik ako sa lugar na'to since umalis kami ni mommy.
Wala pa ding pagbabago. Napangiti ako kasi wala na yung pain habang nililibot ko ang pangin ko sa paligid.
Dumerecho ako sa kwarto ko noon at hanggang ngayon. Pagkabukas ko ay parang wala pa ding nagbago.
It's a satisfying feeling coming back to my room and finding everything exactly how I left it.
Dahan-dahan akong umupo sa kama at humiga.
Almost everything is slowly falling into its places.
Napabalikwas ako nang may sunod-sunod na katok mula sa labas.
"Ma'am Madi, pinapatawag na po kayo sa baba."
Napahawak ako sa ulo ko. Nakatulog pala ako. "Pakisabi na susunod nalang ako."
Napatingin ako sa paligid, ang dilim na. As much as I want to go back to sleep, I can't. I'm starving!
Pumasok na ako sa cr at mabilis na naligo. Sanay naman din ako na mag-isa sa kwarto kaya hindi na ako nag-abala pang mag-towel. I was naked while looking for something to wear.
Nang makapili ay inayos ko din ang sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.
Nakita kong may isang kasambahay na naghihintay sa'kin sa baba. Parang naiilang sya habang nakatayo doon.
Nang nakalapit ako sa kanya ay nginitian ko sya.
"Hi." Bati ko sa kanya.
Napansin ko namang nag-blush sya. Awwe, cute!
"H-hello p-po ma'am."
"Nakita mo sila dad?" Nakangiti ko pa ding tanong.
"N-nasa dining r-room na po." Nakatungo nyang sagot.
Aalis na sana ako ng naisip ko na tanongin ang pangalan nya. "What's your name?"
Napaangat sya ng tingin at napanganga. "A-ana po."
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight