"For what it's worth: It's never too late to be whoever you want to be. I hope you live a life you're proud of, and if you find that you're not, I hope you have the strengh to start over."Beatrix
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Dan. She insisted to drive me home.
Pumayag nalang din ako kasi wala din ako sa kondisyong magdrive. Ang daming naglalaro sa isip ko ngayon. Parang lahat na ata ng pasabog ay sumabog na ngayon.
I feel so empty and numb.
Napapikit ako habang inaalala ang mga narinig ko galing sa lolo ni Madison kanina.
"It still amazes me how you looked exactly like your grandmother."
"She's the most beautiful girl I've ever seen in my life..."
"You're grandfather, he stole your grandmother and the company from me. He was my bestfriend."
Inalala ko ang mukha ng namayapa kong lola. Indeed, napakaganda nya. Lagi nya akong sinasabihan na kamukhang-kamukha ko sya.
Pero paano nangyari na inagaw ni lolo ang lola kay grampy. Mula bata pa ako ay lagi kong iniisip kung gaano ako kaswerte na miyembro ako ng pamilya Villapando kasi pinuno nila ako ng pagmamahal. At isa pa, nakita ko kung gaano ka mahal ng grandparents ko ang isa't isa.
Matikas at gwapo ang lolo ni Madison pero may aura din sya na matatakot kang galitin sya.
Napapikit ulit ako ng naalala yung karugtong na sinabi nya.
"I was so mad. Isinumpa kong hindi ko mapapatawad ang iyong lolo." Lumambot ang expresyon ng mukha nya. "Kaya gusto kong humingi ng tawad dahil dinamay ko kayo ng apo ko, si Mading."
"Dahil sa aking kasakiman, ginipit ko ang sarili kong apo para hiwalayan ka. Lahat ng pagmamakaawa ay ginawa na nya pero naging matigas ako. Ginamit ko ang sitwasyon nya noon para makuha yung gusto ko."
"Patawarin nyo ako, iha. Hangad ko lang ang kaligayahan nyo ngayon."
"Walang alam ang apo ko sa pakikipagkita ko sa'yo. Sana mapatawad mo na sya dahil wala syang kasalanan."
Hindi ko na maalala ang lahat ng sinabi nya. Narinig ko na ang dapat kong marinig. Sa loob ng isang oras na pakikipag-usap nya sa'kin, ni isang letra ay wala akong nasambit.
Para lang akong estatwa sa harap nya. Isang estatwa na nasasaktan. Ni hindi ko nga sya matingnan habang nagsasalita sya. Ang isip ko ay lumilipad lang sa isang tao. Ni hindi ko na din napansin na nakaalis na sya. Ganun ka occupied yung pag-iisip ko.
Gusto kong manuntok, sumigaw, magwala, umalis, tumakbo, o di kaya mag-hibernate. Gusto kong ilunod ang sarili ko dahil ang tigas ko.
Tama nga sila, ang tigas-tigas ko. Ni hindi ko man lang sya hinayaang mag-explain sa'kin. Inuna ko lang ang sarili ko.
All these years, akala ko sobrang kawawa ako. Iniwan na nga, ginawa pang panakip-butas. All these years, pinuno ko ng galit ang puso ko para sa kanya kasi sinaktan nya ako. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wala na syang puwang dito sa puso ko.
All these years, akala ko ako lang ang nahihirapan. Hindi ko man lang naisip na mas mahirap din sa kanya ang lahat.
But is it really my fault? Is it really her fault?
Kaninong kasalanan ba kung bakit pareho kaming nasasaktan ngayon?
Bigla ko naman narinig ang boses ni Luis sa isip ko. Pinaglayo na nga kayo ng tadhana, kakampihan mo pa ba sya?
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight