16. Sunset

28.5K 685 59
                                    

Beatrix

"What is going on?"

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at may nagsalita.

"Fel?"

Lalayo na sana ako kay Madison nang mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa bewang ko.

"What's going on?" She asked again and stepped forward. Bumaba ang tingin nya sa kamay ni Madison and looked at me with disgust.

Napatungo naman ako. Gusto kong umalis dahil nakaramdam ako ng panliliit kung paano nya ako tingnan, but Madison wouldn't let go of me.

"Why are you here, Fel?" Tanong ni Madison.

I heard her laugh sarcastically. "I think the right question should be, why is she here Madi?"

Tuluyan ko nang tinanggal ang kamay ni Madison sa bewang ko. Napatingin naman ito sa'kin na nakakunot pa ang noo.

"I think I should go."

"I think you should." Segunda naman ni Felicity.

I excused myself and left without a word. As soon as I stepped into the hall and closed the door, I was already on the verge of a panic attack.

Shit.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa. They could be just friends na laging magkahawak ng kamay— katulad ko at ni Emma.

But I saw the pain in Felicity's eyes, and that surely a pain of betrayal from someone you love.

Dali dali akong bumaba at pumunta sa room ko.

"Trix? San ka galing? Akala namin nasa loob ka lang at natutulog kaya di mo pa kami pinagbubuksan." Sabi ni Sophia ng makalapit sya sakin. Sobrang nag-aalala ang mukha nilang dalawa ni Mia.

"Kanina pa kayo dito sa labas ng kwarto?" Tanong ko naman.

"Hindi naman masyado. We just wanna check up on you." Sagot ni Mia.

"Yeah, Emma has been calling us nonstop. My god, that girl is really paranoid." Natatawang sabi naman ni Sophia.

"Thanks girls. I'm glad na nakauwi din kayo ng maayos. Lowbat kasi ako, baka tumawag si Ems. I'll call her later."

Parang nakahinga naman ang dalawa. "But you're good, right?"

Tumango ako at nginitian ulit sila. "Everything's good, except that I have a bad headache. Ipapahinga ko nalang 'to."

Tumango naman silang dalawa at hinayaan akong makapasok sa kwarto.

Nag-freshen up lang ako konti bago humiga sa bed. I took a deep breath, but the pain was still there. I tried to sleep it off, but I would still wake up to reality.

AFTER a few hours of forcing myself to sleep, nakapag-decide ako na lumabas nalang at maglibot-libot.

I chose to go to the lake for a change.
Napapikit naman ako ng malanghap ko ang sariwang hangin.

"Ahh, it feels good to be back here." Napangiti ako sa mga nakikita ko. Napili kong umupo sa bench kung saan ako umupo kasama si Car dati.

"Well, welcome back."

Napalingon naman ako sa nagsalita at nginitian ito. Umupo naman ito sa tabi ko.

"Yeah. I needed some fresh air to clear my head." Sabi ko naman.

"You're in the right place then."

"Hmmm." I hummed.

We both went silent and just enjoyed the view. Pangalawang beses ko pa lang nakakasama si Caroline, pero panatag naman agad yung loob ko sa kanya.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon