14. Friday Nightout

28.6K 616 28
                                    


Beatrix

"Oh c'mon Trix! Loosen up. Now here, drink this." Sophia gave me a glass of tequila.

Napangiwi naman ako nang maamoy ko ito. Syete, amoy pa lang, aayaw na ako eh.

"Oh no, no. I came here with you guys kasi nagtatampo na kayo, but I won't still drink." Tanggi ko sa kanya at binigay pabalik yung maliit na baso.

"What? No! Drink this!" Sigaw ulit nya sakin habang binibigay yung isang maliit na glass.

Halos hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay kaya pasigaw kaming nagsasalita.

"Hey, what's happening here?" Saktong dumating din si Mia na may dala pa ulit na ibang drinks.

Seryuso ba? Hindi pa nga nakakapangalahati sa isang bote, may ibang bote ng alak na silang dala.

"Eh etong si Trix, ayaw uminom." Reklamo nya kay Mia.

"Just try it girl. One glass lang." Sulsol pa ni Mia.

Umiling lang ako. "Ayokong malasing." Pasigaw na bulong ko sa kanila.

"Hindi naman tayo maglalasing. We'll just have fun. And kami ang bahala sa'yo." Sabi ni Mia.

Hindi pa sila maglalasing sa lagay na 'to ha.

"Oo nga. Yari kami kay Emma kung may masamang mangyayari sa'yo. But for now, let's enjoy the night!" Tumayo si Sophia at sumayaw sa harapan naming dalawa. Tas kinuha nya ulit yung tequila at binigay sakin. "Drink it!"

Napailing nalang ako. Ayaw ko naman talagang sumama sa kanila dito sa bar.

But I got dragged by these two. Ayaw akong tigilan lalo na't wala si Emma ngayon. She went home for an important occasion.

"C'mon! One shot lang."

Huminga muna ako ng malalim bago ko ito kinuha.

Nakatingin lang naman yung dalawa sa'kin at parang naghihintay na inumin ko na ito.

Pikit-mata ko nalang itong ininom at kumuha ng lemon.

My gosh, ang pangit ng lasa. Bakit ba may gustong uminom nito eh na nga masarap, masakit pa sa throat.

Natawa naman yung dalawa sa reaction ko.

"See? It's not that bad right? Let's have some fun!"

Napailing nalang ako sa sinabi ni Sophia. Fine, hindi nako magiging killjoy at eenjoyin ko nalang yung gabi na kasama ko 'tong dalawa.

~*~

Madison

Naalimpungatan ako dahil sa walang tigil na pagva-vibrate ng phone ko.

I looked at my watch.

2:45am.

"The hell? Sino bang matino ang utak na tatawag sa'kin ng ganitong oras?"

Inabot ko ang phone ko na nasa side table.

Dan Calling...

"HELLO!!????"

"Dude!! Nagising ba kita?" Sigaw nya sa kabila.

"Dan, what is it this time?" Pigil inis na tanong ko.

"Dude sorry! I just need your help."

"Lasing ka na naman?! What do you want? Napa-trouble ka na naman ba?"

Everytime lasing to, ako talaga tinatawagan. Sineryuso nya talaga yung sinabi ko sa kanya noon na I'm just one call away if you need me.

"Grabe ka naman. Di naman masyadow."

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon