55. Taguan ng Feelings (Pa More)

18.5K 492 269
                                    

"It's that small glimmer of hope that will shatter your precious little heart into a million tiny fucking pieces."

Madison

It's Sunday and I have no plan of going out.

Gusto ko lang magmukmok whole day, no, whole weekend. 1 week na simula nung nagkita kami. Pero hanggang ngayon ay tinitingnan nga nya ako... kaso nga lang, walang emosyon.

Nakakasakit na ng puso at nakakatampo. Kahit pa siguro maglupasay ako sa harap nya, wala na syang pakialam.

Ginawa ko namang lahat na pagpapapansin sa kanya. Sa katunayan, araw-araw ko syang binibigyan ng flowers. Pero simula nung nalaman nya na sakin galing yun, ay wala!

Tinatapon na nya sa basurahan.

Maybe mali lang yung approach ko? Maybe kailangan ko nalang magmakaawa sa harap nya na bigyan ako ng chance? Maybe kailangan ko ng mag-explain sa kanya?

Pero pakikinggan nya ba ako? Baka nga sapakin lang ako.

Aishhhh!!

Napasabunot ako sa buhok ko. Alam nyo yung pakiramdam na wala ka ng nagawang tama?

Ahhh! Meron pala, yun ay ang mahalin sya.

Pero anong gagawin ko? Araw-araw kong nakikita na hatid-sundo sya ng kapatid ko.

Huli na nga ba ako?

Bigla ako napatayo mula sa kama. "No, Madison! Walang susuko!"

Napaupo ulit ako sa kama. Pero ako naman yung unang sumuko...

Napahilamos ako sa mukha ko. Ayan, magdusa ka. Magdusa ka na makita ang pinakamamahal mo na masaya sa iba.

Napapikit ako. Matagal na akong nagdudusa sa ginawa ko sa kanya. Siguro nga walang kapatawaran yung nagawa ko.

Padalos-dalos ka kasi!

I know... Pero ginawa ko lang yun para sa kabutihan naming dalawa. Masyado pa kaming bata. Paano kapag hindi namin mapanindigan yung relasyon namin kalaunan?

Eh, hindi na nga napanindigan kasi iniwan mo nang walang paalam!

Napahiga ako at humagugol. "Oo na!! Ang tanga-tanga ko! Wala akong kasing tanga!"

Pero mahal na mahal ko sya. Umalis lang ako, pero yung puso ko naiwan sa kanya.

Kailangan ko na talagang magpaliwanag sa kanya. Hindi na 'to pwede.

Umupo na ako at kinuha ang phone ko. Pero di ko din alam kung bakit ko kinuha yun eh wala naman akong number nya.

"Walang silbi!"

Itatapon ko na sana ang phone ko ng biglang nag-ring ito.

Napakunot ang noo ko ng makitang hindi naka-register yung caller. Sinagot ko naman agad ito.

"Architect Madrigal, speaking." Formal na sagot ko.

"M!!!" Sigaw mula sa kabila.

Nagulat ako sa sumigaw pero napangiti din ako ng napagtantong si Nicky lang pala ito.

"Nicky! Kumusta?" Nakangiting tanong ko. Na miss ko tong mokong na 'to.

"Gago ka! Wag mo akong makumusta-kumusta dyan! Pumunta ka dito sa bahay!" Sigaw nya pa din sa kabila.

Napapailing nalang ako. "Ayoko, depressed ako." Totoo naman kasi na depressed ako. Ang sakit kaya ng puso ko ngayon.

"Bwisit ka! Nakalimutan mo na birthday ko ngayon!! Ang dami mo ng atraso sakin ugok ka!"

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon